Kris absent Joshua at Bimby naki-party sa birthday ng partner ni James!, Marlo Mortel malamyang kumilos
Seen: Dumalo sa premiere night ng The Escort si Tom Pastor, ang ama ng pinaslang na car racing champion na si Enzo Pastor. Si Derek Ramsay ang magbibida sa life story ni Enzo na isasalin sa pelikula ni Enzo Williams, ang direktor ng The Escort.
Seen: Walang relasyon si Kylie Verzosa sa aktor na si Gardo Verzosa dahil Peter Mennen Torres ang tunay na pangalan ng dating sexy actor ng Seiko Films.
Seen: Ngayon ang grand coronation night ng Miss Earth 2016 sa Mall of Asia Arena. Philippine bet sa Miss Earth 2016 ang ex-Willing Willie co-host na si Imelda Schweighart aka Imee Hart.
Scene: Pinayagan ni Kris Aquino na dumalo sa birthday dinner ni Michela Cazzola ang kanyang mga anak na sina Joshua at Bimby. Ang mga anak nila ang pinasalamatan ni James Yap, hindi si Kris.
Seen: Malamya ang mga kilos ni Marlo Mortel sa unguarded moments niya at binibigyan ito ng malisya ng mga nang-iintriga sa kanyang pagkatao.
- Latest