^

Police Metro

Guro ginahasa ng ka-eyeball

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nagsampa ng kasong rape ang isang guro laban sa kanyang chatmate sa social media na pu­wersahan siyang hinalay sa loob ng isang motel matapos na sila ay  mag-eyeball sa isang lugar sa Quezon City.

Ang biktima na nagsampa ng reklamo sa Quezon City Police District Womens Children Protection Desk sa Camp Karingal ay itinago sa pa­ngalang Ana, 35, dalaga.

Nadakip naman ang suspek sa isinagawang follow-up operation na kinilalang si Danilo Munoz Jr., 34, binata at enlisted personnel ng PA ng Armed Forces of the Philippines at naninirahan sa Fort Bonifacio, Taguig City.

Batay sa ulat, bago nangyari ang panghahalay sa loob ng R & J Inn na matatagpuan sa Kamias Road, Brgy. Pinyahan noong Mayo 28, 2016 ganap na alas-5:30 ng hapon ay nagkakilala ang biktima at suspek sa pamamagitan ng social media.

Nang magkapalaga­yan ng loob sa isa’t isa ay nagpasya ang mga ito na magkita nitong May 28, 2016, dakong alas-11:00 ng umaga sa isang bus terminal at kumain sa fastfood sa Edsa kanto ng Kamias Road, Quezon City.

Matapos kumain ay naglakad-lakad ang dalawa hanggang sa makaramdam ng pagod at nagpasya at niyaya ng suspek ang biktima na  mag-check in sa nasabing motel para makapagpahinga.

Dahil sa mukha naman umanong maginoo ang suspek ay pumayag ang biktima at pagpasok ay agad umanong niyakap ng huli ang una saka puwersahang inabuso kahit labag sa kanyang kagustuhan.

Matapos ang insidente ay nagpasyang magreklamo ang biktima sa QCPD Police Community Precinct 1 at nagpasuri naman ang biktima sa Jose Reyes Memorial Medical Center para sa genital examination.

Nagsagawa ng o­perasyon ang mga pulis at naaresto ang suspek na hindi pa nakakalayo sa lugar.-Ricky Tulipat-

 

vuukle comment

JOAQUIN HENSON

WORLD BOXING ORGANIZATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with