^

Dr. Love

Mahirap lang ako

Pilipino Star Ngayon

Dear, Dr. Love,

Tawagin n’yo na lamang akong Lorna, 20 anyos at hindi nakatapos ng kolehiyo dahil sa kahirapan. Nagtatrabaho ako sa isang sanlaan.

May nakilala akong lalaking anak ng mayaman, nililigawan niya ako. Kaibigan daw niya ang ma­nager ng sanlaan na pinagtatrabahuhan ko. Nagustuhan ko siya dahil sa kanyang kabaitan.

Sabi niya, handa niya akong pakasalan. Pero hindi ko siya sinasagot pa. Kasi po natatakot ako. Mayaman siya at mahirap ako.

Sabi ko sa kanya, maging friends na lang kami. Pero sinabi niya na hindi mahalaga sa kanya kung hindi ako natapos sa college at isa lang mahirap.

Natatakot ako na baka paglaruan lang niya ako. Lalo akong natakot nang malaman kong anak pala siya ng may-ari ng ahensya.

Magmula noon ay iniiwasan ko na siya. Hanggang tanungin niya ako kung bakit. Sabi ko natatakot ako na baka paglaruan niya lang ako.

Paano ko malalaman na totoo siya sa panliligaw?

Lorna

 

Dear Lorna,

Mahirap malaman kung totoo ang manliligaw o nais lang magsamantala. Ikaw ang makakaalam niyan. Hindi maaalis ang ganyang posibilidad dahil sa agwat ng inyong estado sa buhay. Mayaman siya at ikaw ay mahirap.

Halimbawang sinagot mo siya at may mga pagpaparamdam siyang ibig makuha ang iyong pagkababae, ‘yun ay palatandaan na gusto niyang makaisa. Umiwas ka na o makipag-break kung ganun.

Kung magkakausap kayo nang sarilinan at dumiga siya uli, sabihin mo ang iyong mga kondisyon, na ikaw ay isang babaeng konserbatibo at hindi ka sang-ayon sa pagsisiping na walang kasal. Dapat ding mabatid mo ang magiging pagtrato sa iyo ng kanyang mga magulang. May mga mayaman na mapanlait at ayaw makapangasawa ng mahirap ang kanilang anak.

Kung igagalang niya ang iyong pananaw at handa ka niyang pakasalan, dun mo malalaman na tapat siya sa iyo. Alamin mong mabuti ang kanyang pagkatao.

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with