^

Dr. Love

Sinulot ang boyfriend

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

May boyfriend ako for two years, maganda ang aming relasyon kahit pa nag-abroad na siya at talagang masaya ang love life ko.

Namamasukan po akong kasambahay sa isang may kayang pamilya sa Quezon City. Naging malapit na kaibigan ko roon ang kapwa ko kasambahay din na si Nimfa.

Mabait siya at sa maraming bagay ay magkasundo kami. Dahil nakagaanan ko siya ng loob ay hindi ako nagdalawang-isip na ibahagi sa kanya ang personal kong buhay.

Madalas parte ng kuwentuhan namin ang kani-kaniya naming love life. Pero ang pagsasama namin ni Tonio ang nagiging trending sa aming usapan. Mas naging intresado kasi siya sa relasyon namin, lalo na nang ma-heartbroken siya.

Sa totoo lang, wala akong naging hesitation sa pagkukwento ko sa kanya. Kaya halos lahat nang nangyayari sa amin ni Tonio, kahit pa ang mga tampuhan ay alam niya.

Dumating ang time na nagbalik-bayan na ang boyfriend ko at dahil “close” kami ni Nimfa ay ipinakilala ko siya. Sa ilang buwang bakasyon ni Tonio, madalas ay isinasama namin siya para maaliw.

Hindi ko akalain na ang pagtitiwala ko sa itinuring kong kaibigan ay pagsasamantalahan niya. Wala po akong ideya kung paano nagsimula ang lahat sa kanila ng boyfrend ko.

Namalayan ko na lang na nakikipagkalas na sa akin si Tonio at walang matinong paliwanag kung ano ang nagawa ko. Hanggang sa paglipas ng ilang linggo, nakita ko na lang ang mga post niya kasama si Nimfa.

Para po akong mababaliw sa sakit. Napabayaan ko na rin ang trabaho ko kaya minabuti kong umalis na lang sa amo ko.

Ngayon po ay nasa Bikol ako at hinahangad na mabura na ang lahat ng sakit. Pero paano ko madadaya ang sarili ko? Hanggang ngayon ay napapaiyak pa rin ako dahil pakiramdam ko ay pinagkaisahan nila ako. Payuhan po ninyo ako.

Mercy

Dear Mercy,

Hindi mo kailangan dayain ang iyong sarili. Ang dapat mong gawin ay huwag nang alalahanin ang kahit anumang bagay tungkol sa ex mo lalo na kay Nimfa. Kung tutuusin ay blessing in disguise na maituturin ang nangyari sa’yo. Dahil nakilala mo kung anong klaseng lalaki siya habang mag-boyfriend palang kayo. Kaya ayusin mo ang sarili mo at magpatuloy sa iyong buhay para lumaki ang tsansang makilala mo ang tunay na pag-ibig na nakalaan para sa’yo.

DR. LOVE

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with