^

Dr. Love

Tatanggi na bang alagaan ang apo?

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Isa po ako sa libu-libong tagahanga ng inyong column at marami po akong natutunan sa pagbabasa ng makabuluhan ninyong payo. Kung kaya't hindi po naman ako nag-atubiling lumiham sa inyo para idulog ang aking problema.

Bagaman ang sulirinin ko ay walang kinalaman sa puso, minabuti ko na ring ilapit ito sa inyo dahil natitiyak kong hindi ninyo ako bibiguin sa hinihingi kong payo.

Ako po ay retirado nang empleyado ng pamahalaan sa edad na 67 years old. Dahil malakas pa naman ako kaya nagagawa ko pang mag-alaga ng mga apo. Unang nakiusap ang panganay ko at iniwan sa akin ang kanyang tatlong anak na may edad apat, tatlo at dalawa.

Hindi naman mahirap bantayan ang mga bata dahil katuwang ko ang isang yaya. Nagsimula akong malagay sa alanganing sitwasyon nang manganak na ang manugang ko sa aking bunsong anak at nakiusap na sa akin muna iiwanan ang 4 months old nilang baby habang naghahanap pa nang mapagkakatiwalaang kasambahay.

Willing po akong tulungan ang aking mga anak, pero paano ang nauna kong tatlong mga alaga. Gayunman dahil hindi ako makatanggi sa bunso ko ay inalagaan ko ang baby.

Walang problema sa unang linggo, pero nang mag-ipin na ang baby naging iyakin at gusto lagi ng karga. Nagselos naman ang tatlong bata kaya naghanap ng extra attention. Sinabi ko ito sa aking mga anak. Pero minasama ng manugang ko kaya agad-agad ay pinasundo ang kanyang ina sa probinsiya at doon pinaalagaan ang baby.

Ngayon hindi ko alam kung paano pagkakasunduin ang aking mga anak na nagkasamaan ng loob dahil sa nangyari. Payuhan po ninyo ako. Dapat ko na rin bang tanggihan ang panganay ko na paalagaan sa akin ang kanyang mga anak?

Hihintayin ko po ang inyong mahalagang payo.

Gumagalang,

Aling Feliza

 

Dear Aling Feliza,

Sa palagay ko ang kailangan ay masinsinan mong kausapin ang iyong mga anak para maliwanagan sila sa sitwasyon mo, na bagaman hangad mong matulungan sila ay limitado na ang iyong kakayahan.

Dahil magulang na rin sila, naniniwala ako na maiintindihan ka nila. Saka mo hilingin na magkaayos na silang magkapatid.  

DR. LOVE

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with