^

Dr. Love

Cancer

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Inaasahan ko at ipinagdarasal na abutan ka ng aking sulat na nasa mabuting kalagayan.

Tawagin n’yo na lang akong Chona, 26 anyos­ at dalaga. Nagtatrabaho ako bilang exe­cutive secretary sa isang malaking korporasyon.

May boyfriend po ako at nagbabalak kaming magpakasal within the year. Three years na po kami at nagmamahalang mabuti.

Minsan po, nagpa-check up ako dahil sa ilang buwan nang pananakit ng aking tiyan. Suma­ilalim ako sa endoscopy at may nakitang namumuong bukol sa aking small intestine.

Tinapat ako ng doktor. Sabi niya na may posi­bilidad na ito ay cancer of the colon. Ang nanay ko po ay ganitong sakit ang ikinamatay.

Sabi ni Doc, hindi pa naman ito sigurado at kailangan akong operahan upang makakuha ng specimen para i-biopsy.

Pero natatakot po ako. Dapat ko pa bang sabihin ito sa lalaking pakakasalan ko?

Chona

Dear Chona,

May kasabihan na otsenta porsyento ng mga bagay na ipinangangamba natin ay hindi nangyayari. Be positive dahil ang pangamba ay naka­kamatay din.

Sasabihin mo ba ito sa iyong kasintahan? Aba, oo naman! Pakakasalan mo siya at karapatan niyang malaman ang iyong kalagayan para ma­damayan ka niya.

Higit kailanman ay kailangan mo ang isang minamahal na daramay sa iyo. Inuulit ko, lakasan mo ang loob mo at manalangin. Kasama mo ako sa pagdalangin na ang bukol na nasilip sa iyo ay hindi cancerous.

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with