^

Dr. Love

Magpakatotoo ka

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Sana ay abutan ka ng aking sulat na nasa mabuting kalagayan. Tawagin mo na lang akong Pinky, 20 anyos.

Sa aking itsura maging sa pananalita, walang mag-aakalang ako ay isang bading. Babaeng babae ang aking itsura. Madalas nga akong mangarap na may sapat akong pera para magpa-opera para maging ganap ang aking pagkababae.

Two months ago, nagkaroon ako ng boyfriend. Ang buong akala niya ay babae ako. Kaso, ngayon ay gusto niyang makipag-date sa akin. Natatakot ako dahil pihong malalaman niya ang tunay kong pagkatao.

Kung anu-anong dahilan ang sinasabi ko sa kanya para lang makaiwas pero nagbanta siya na makikipag-break siya sa akin kung hindi ko siya pagbibigyan.

Gulung-gulo ang isip ko at hindi ko batid kung ano ang gagawin ko. Sana ay mapagpayuhan mo ako.

Pinky

 

Dear Pinky,

Sa pagpapanggap mo na isa kang babae, niloloko mo ang lalaking nagkagusto sa iyo. Walang sikreto na hindi nabubunyag.

Dalawang bagay ang puwede mong gawin. Aminin mo sa kanya na isa kang bakla o kaya, makipag-break ka sa kanya nang tuluyan.

Hindi mainam ang ginagawa mo sa taong nagmahal sa iyo dahil akala niya babae ka pero kabaro ka pala niya. Isang klase ng kasakiman iyan dahil ang iniintindi mo lang ay kapakanan mo at hindi kapakanan ng iba.

Isa pa, kahit magpa-sex change ka, lalaki ka pa rin at hindi mo magagawa ang bagay na kayang gawin ng tunay na babae gaya nang pagbuo ng sanggol sa sinapupunan.

Magpakatotoo ka.

 

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with