^

Dr. Love

In-love uli si Badeth

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Maraming beses na akong nagbakasali na matagpuan ang lalaki na magiging katuwang ko sa buhay. Pero sa kakasubok ko ay dumami na ang mga anak ko. Magkakaiba man ang tatay nila, pantay-pantay naman ang pagmamahal ko sa kanila.

May pwesto ako sa palengke at ‘yun ang pinagkukunan namin para sa pang-araw-araw na pangangailangan. Nakakahiya man, sa palagay ko ay nahuhulog na naman ang aking loob. At sa pagkakataong ito ay sa isang bagong saltang delivery boy sa palengke.

Napakabuti kasi niya sa akin, ang gentle-gentleman niya. May pagka-foreigner looking at binata pa. Pero nang minsang maikuwento ko sa aking anak, mabilis ang kanilang reaksiyon na baka lokohin lang daw ako.

Hindi ko naman masisisi ang mga anak ko, dahil sila ay pawang bunga nang naging panloloko sa akin nang inakala kong tapat na lalaki. Pero nang malamang nagdadalan-tao na ako ay parang bula na nawala na lang.

Hindi pa naman po nanliligaw si Michael, pero aminado ako na nagugustuhan ko na siya. Sa palagay n’yo po ba sa pagkakataong ito ay hindi na mauunsiyami ang love life ko kung liligawan at sasagutin ko siya? Kinikilig ako kapag tumatama sa akin ang mga mata niya, Dr. Love.

Badeth

Dear Badeth,

Hindi naman masama ang ma-in love kang muli. Pero naman Badeth…sa mga naging pagkakamali mo na pagkakaroon nang limang anak na magkakaiba ang tatay, sana naman matuto ka na.

Hindi makakabuti kung ang babae ang unang magpapakita nang interes sa lalaki. Dahil mara­ming lalaki ang nagte-take advantage kapag nakitang type sila ng babae.

Kaya ang mainam ay iwasan mo na mas­yadong maging malapit o mapalapit sa lalaki na hindi mo pa gaanong kilala. Huwag ka rin magpakita ng interes hanggang malaman mo ang tunay niyang pagkatao. Para ma-in love ka man uli ay hindi ka maiiwanang buntis na naman.

DR. LOVE

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with