^

Dr. Love

Nawala na ang usapang kasal

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Kung gaano kadalas mabanggit noon ng boyfriend ko ang tungkol sa aming planong pagpapakasal, ngayon ni-katiting ay wala na ito sa kahit anong usapan namin.

Ang bukam-bibig niya ay ang pagka-bored niya sa kanyang pagtuturo dahil lubhang mabagal daw ang pag-asenso. May plano pala siyang mag-masteral. Pero hindi ko alam kung saan niya kukunin ang pang-gastos niya rito.

Dahil ang lahat ng sweldo niya ay napupunta sa pagpapagamot ng kanyang ina habang pinag-aaral naman ang dalawa niyang kapatid.

Sa kakareklamo niya, hindi na ako nagtataka nang minsang ipakita niya ang resignation letter at tuluyan nang magbitiw sa pagtuturo. Hindi ko naman balak igiit ang pangako niyang kasal dahil sa totoo lang ay ok lang na maisantabi muna ito.

Pero bakit kaya parang paulit-ulit siya sa tungkol sa mga gastusin niya, inaasahan niya kaya na sagutin ko ang pag-aaral niya? Bagay na hindi ko naman po magagawa dahil may obligasyon din ako sa sarili kong pamilya.

Ang suggestion ko po ay magdoble kayod siya. Gaya ng boyfriend ni Marie na pumasok na night shift editor sa isang pahayagan kaya nakapag-ipon at natupad ang kanilang pagpapakasal.

Kaya lang walang ganitong inisyatibo si Fred. Ngayon po ay hindi na ako umaasa sa kasal at sa totoo lang, hindi na rin ako umaasa sa aming relasyon na tuluyan nang nanlamig. Nakakapag-isip na akong makipaghiwalay sa kanya. Makatuwiran po  ba ang damdamin kong ito para sa boyfriend ko? Pagpayuhan po ninyo ako.

Pauline
 

Dear Pauline,

Isang bagay lang naman dapat ang mag-uugnay sa dalawang taong papasok sa relasyon, ‘yun ay ang pagmamahal. Kung wala ang feelings na ito sa sinuman sa kanila, naniniwala ako na nawalan na rin nang dahilan para manatili sa relasyon.

Ang maipapayo ko ay suriin mong mabuti ang damdamin mo at kung talagang nakakatiyak ka sa iyong desisyon, wala akong nakikitang masama para gawin mo ang gusto mo. Mag-boyfriend palang naman kayo at hindi pa mag-asawa.

Dr. Love 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with