PSN Dr.Love ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Senior High Crush

Dear Dr. Love,

Matindi ang crush ko sa isang kaklase ko noong 15 years old pa lang ako pero pinigilan ko ang feelings ko dahil kaibigan ko ang boyfriend ni Doris at ayaw kong makasira ng relasyon.

Dahil magkakaklase kami sa senior high noon, madalas akong yayain ni David na sumabay sa kanila sa pagkain. Pero never akong sumama dahil magmumukhang asungot lang ako sa kanila.

Aminado po ako na hindi ko maiwasang hindi magselos lalo na kapag nakikita ko ang sweetness nila sa isa’t isa. Kaya sinikap kong ibaling sa pag-aaral ang aking atensiyon para makamit ang hangad kong makapagtapos ng valedictorian.

‘Yun lang po ang naisip kong katangian para maiangat ang sarili kay David. Dahil matangkad siya, magandang lalaki at mayaman. Hindi sila nagkakalayo ng katangian ni Doris na muse sa aming klase.

Naging valedictorian po ako kaya nakapasok ako sa U.P. bilang full-scholar. Noong mga panahong iyon ay naputol ang komunikasyon ko kina Doris at David dahil kinailangan kong makapag-focus sa pag-aaral.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Ngayon po ay malapit na akong makatapos bilang cum laude sa kursong chemical engineering. May mga bagay akong dapat harapin pero nahihirapan akong pagtuunan matapos kong malaman na nagkahiwalay na sina Doris at David.

Parang lumukso nang mataas ang puso ko at nabuhay ang pag-asa na magkalapit kaming muli at magkaroon ng chance kay Doris.  Gustung-gusto kong makipagkita sa kanya pero napipigilan ako nang pangamba na baka may masabi siyang hindi maganda sa akin.

Hindi ko po maintindihan ang sarili ko, Dr. Love. Payuhan po ninyo ako kung hindi ba masamang tingnan kung ilapit kong muli ang sarili ko kay Doris sa hangaring magkaroon ng chance ang matagal ko nang feelings para sa kanya?

Maraming salamat po at hangad ko ang patuloy ninyong tagumpay.

Gumagalang,

Brandon

 

Dear Brandon,

Kung wala nang boyfriend at hindi committed sa iba si Doris habang ikaw ay binata at may magandang feature, wala akong nakikitang mali kung hinahangad mong i-pursue ang damdamin mo para sa kanya.

Pero para maiwasan ang pagkadismaya, hinay-hinay ka lang. Open your communication with her para ma-update ka sa buhay niya. At in a way ay makahanap ka ng sagot kung may chance ka ba sa kanya. Hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan.

Dr. Love

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: