PSN Dr.Love ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Hindi guwapo

Dear Dr. Love,

Palagay ko, mailathala man ang sulat kong ito ay sa taong 2018 na. Kaya hayaan mong batiin kita ng masaganang Bagong Taon.

Tawagin mo na lang akong Perry, 24 anyos at isang trike driver. Pangarap ko pong maging manunulat pero hindi natupad ang ambisyon ko dahil sa kahirapan.

Hayaan mo na lang na isalaysay ko ang aking­ problema sa pag-ibig. Bukod sa aking pagiging mahirap, isa pa rin pong kapintasan ko ay hindi ako guwapo. Dahil dito ay nahihiya akong manli­gaw. Ipinanganak po kasi akong may bingot sa labi at bagamat ito ay naayos na nung bata pa ako sa pamamagitan ng surgery, medyo halata pa rin ito at kung magsalita ako ay lumalabas minsan ang aking pagkangongo.

May maganda kaming kapitbahay. Gusto kong ligawan pero nangingimi ako. Baka ako pagtawanan. Ano po ang dapat kong gawin?

Perry

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Dear Perry,

Madalas, ang humahadlang na balakin sa tao ay pangamba. Paano mo malalaman kung magta­tagumpay ka sa panliligaw kung hindi mo muna susubukan?

Huwag kang matakot mabigo. I’m sure, hindi ka naman pagtatawanan kung manliligaw ka. Karapatan mo rin iyan bilang isang tao.

Isa pa, karamihan sa mga babae ay hindi naman nadadala sa pagiging guwapo ng lalaki. Kung ikaw naman ay nagtataglay ng magandang kata­ngiang panloob, I am sure na may babaeng magkakagusto sa iyo.

Dr. Love

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: