PSN Dr.Love ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Nasaktan, nagtaksil at nagbagong buhay

Dear Dr. Love,

Tatlong taon na ang relasyon namin ni Jessie at hindi ko akalain darating ako sa puntong gugustuhin na kapwa na kami magbagong buhay.

Pareho kaming may asawa at mga anak at pareho naming hindi kayang iwanan ang aming pamilya. Kaya anuman ang mga napag-uusapan naming mga pangarap habang masayang magkasama sa bawat panakaw na pagkakataon ay alam namin na walang magandang ending.

Noong November palang ay nag-iisip na po ako ng paraan at kung paano ang timing para sabihin kay Jessie na tapos na ang lahat sa amin. Ang nangyari ay hindi na ako nagpakita sa kanya at nag-text ako na magbagong buhay na kami. May pahabol pa akong mensahe na bayaran niya ang lahat ng inutang niya sa akin.

Nag-reply siya at sinabing magkita kami nang personal para malaman niya raw kung talagang tapat sa puso ko ang makipaghiwalay na sa kanya. Pero hindi ko siya sinipot. Nag-text siya uli at sinabing huwag akong mag-alala dahil kapag nakuha na raw niya ang policy loan sa GSIS ay agad niya akong babayaran. 

Tinotoo naman po niya ang pangako niya at ipinadala sa money transfer ang P100,000. Isa pang message ang natanggap ko mula sa kanya para kumpirmahin kung nakuha ko na ang pera. At ang huli ay ang pagpapasalamat niya sa lahat ng tulong ko sa kanya.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Noon po kasi ay nangailangan siya para maipagamot ang kanyang ina. Tumanggi ang asawa niyang tumulong kaya lumapit siya sa akin sa opisina dahil alam niyang may money lending service ako. ‘Yun na po ang simula nang aktibong komunikasyon namin. Naging magkaibigan kami na humantong sa pagkakaroon ng relasyon.
Sa panig ko naman, napalapit ako kay Jessie dahil sa pambababae ng mister ko. Kahit napakaraming babae ng asawa ko, tiniis ko para sa aking mga anak na sanay sa maginhawang buhay. Hindi po ako masaya sa buhay ko noon.

Bagaman sa piling ni Jessie ay mistulang nagbalik kami sa pagiging binata at dalaga, pero lahat ay pansamantalang lang.

Ngayon po payapa na ang isip ko. Hindi na ako nangangamba na baka may makakita sa amin o baka malaman ng asawa ko. Masaya rin ako para kay Jessie na nabalitaan kong nag-abroad na.

Gusto ko po ihingi ng payo sa inyo kung dapat kong ipagtapat ang nagawa kong kataksilan sa mister ko.

Maraming salamat po and Happy New Year!

  Lonesome Girl

Dear Lonesome Girl,

May pagkakataon na higit na mainam na manati­ling lihim ang isang bagay na pagmumulan ng lamat sa pagsasama ng isang pamilya. Marahil may sumbat ang iyong budhi sa mga nangyari, makakatulong kung isusuko mo ang lahat sa Diyos na siyang ganap na makakapagpatawad sa’yo.

Kumapit ka sa kanyang salita para magkaroon ka ng gabay at kalakasan na hindi ka na matuksong magtaksil.

DR. LOVE

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: