PSN Dr.Love ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Natukso

Dear Dr. Love,

Bago po ang lahat ay nais ko kayong batiin ng Maligayang Pasko at Masaganang Bagong Taon.

Ako po si Mariz, 20 anyos at matatawag na liberated sa aking pananaw sa buhay. Ang problema ko. Kahit liberated ako, hindi ako pinatatahimik ng malaking kasalanang nagawa ko sa aking older sister. Nagkaroon ako ng isang gabing relasyon sa aking bayaw, na asawa niya.

Mabilis ang pangyayari. Galing ako sa birthday party ng aking kaibigan. Medyo nakainom ako. Nang pauwi na ako, dahil malapit sa bahay ng ate ko ang dinaluhan kong okasyon ay nagpasya akong dalawin ang aking ate.

Wala pala siya dahil may official business sa probinsya. Ang naroroon lang ay ang aking bayaw at ang kanilang katulong. Aaminin ko na dahil medyo lango ako, ako ang tumukso sa aking bayaw. Pareho kaming nakalimot. Pero nang mahimasmasan ako, malaki ang aking pagsisisi. Kapatid ko kasi ang ginawan ko ng aking kataksilan. Paano mabubura ang guilty conscience ko?

Mariz

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

 

Dear Mariz,

Wala kang ibang magagawa kundi huwag mo nang ulitin ang nangyari. ‘Yun lang at hu­mingi ka ng tawad sa Diyos sa nagawa mong kasalanan.

Minsan, may mga bagay na mas makabu­buting panatilihing lihim. Kung sasabihin mo ang nangyari sa ate mo, magkakaroon lamang kayo ng sigalot at pati ang relasyon nilang mag-asawa ay malamang masira.

Kausapin mo rin ang bayaw mo at sabihing pinagsisisihan mo ang nangyari at iwasan na ninyong dalawa ang magkasarili para hindi na mabulid sa tukso.

Dr. Love

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: