PSN Dr.Love ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Love o financial security?

Dear Dr. Love,

Ngayon pa lang ay bumabati na ako ng belated Merry Christmas at advance prosperous New Year sa inyo at sa lahat ng mambabasa ng PS NGAYON.

Ako po si Harriet, 21-anyos at nagtatrabaho bilang sales representative ng isang real estate corporation. Mayroong nanliligaw sa akin na kasamahan ko sa trabaho. Siya ang top sales rep namin sa kompanya at masasabing matatag na siya financially. Hard working at matalino.

Mayroon akong boyfriend na nag-aaral pa ng accounting at matatapos after two years pa.  Mahal ko ang aking boyfriend pero naiisip ko rin na mahalagang maging practical ako sa buhay. Hindi po ba tama na sa pag-aasawa ay dapat isipin ang future at hindi puro puso.

Hindi ko pa sinasagot ang manliligaw ko pero close na kami as friends. Binibigyan niya ako ng pagkakataong mag-isip.

Tulungan sana ninyo ako sa pagdedesisyon Dr. Love.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Harriet

 

Dear Harriet,

Siyempre ang desisyon ay nasa sa’yo. Ang magagawa ko lang ay gabayan ka. At yamang gusto mo na pagpayuhan kita, ito ang masasabi ko. Mahal mo ba ang manliligaw mo? May nadarama ka ba kahit katiting na love para sa kanya?    Mahalaga ang pag-ibig. Kung makiki­pagrelasyon ka only for financial security, you are treading on dangerous grounds.  Paano kung may mangyaring hindi na siya kikita ng malaki? Mananatili pa rin kayang matatag ang relasyon ninyo?

In the case of your boyfriend, sabi mo nag-aaral pa siya. Sabi mo rin na mahal mo siya. Ok iyan. Ibig sabihin may concern siya para sa magandang future kaya siya nag-aaral. Love is patient at laging willing maghintay.

Having said that, ang desisyon ay nasa sa’yo.

Dr. Love

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: