PSN Dr.Love ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

‘Salubong’ sa Pasko

Dear Dr. Love,

Hindi ko po gustong kaawaan ako ng aking pamilya, lalo na ng mga kaibigan at ng mga nakakakilala sa akin, kaya sa inyo po ako hihi­ngi ng payo.

Tawagin n’yo na lang po akong Nini, 29-an­yos at single pa rin. May katrabaho ako na inakala kong may gusto sa akin pero ‘yun pala may kailangan lang siya kaya nakipagmabutihan siya sa akin.

Siguro makakaltukan mo ako kung sabihin ko na sa ganong sitwasyon ay may nangyari sa amin nang pumayag akong sumama sa kanya kagabi para makipag-date at salubu­ngin na rin ang araw ng Pasko.

Ngayon po ay kinakabahan ako, paano kung magbunga ang gabing ‘yun? Nangutang siya sa akin, may nangyari sa amin at ngayon­ ay hindi ko na makontak ang cellphone number niya. Natatakot po ako sa malaking responsibilidad na maaari kong kasadlakan kapag nag­kataon.

Payuhan po ninyo ako kung paano ko mala­lampasan ang pagkabalisang ito.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Nini

 

 

Dear Nini,

May mga lalaki talagang mapagsamantala, lalo na kung nakita nilang type siya ng isang babae at ganon ang nangyari sa’yo. Hindi naman aabot sa makakaltukan kita, pero marahil ang dinaranas mong pagkabalisa ay sapat na para matauhan ka.

Tama ka, may posibilidad na magbunga ang pagkabulid mo sa lalaking ni-hindi mo naman boyfriend. Nasa edad ka na at marahil dahil pressured na matuluyang single na lang, kaya ka napapayag ng ungas na kaopisina mo. Tinamaan talaga ng magaling ano, inutangan ka na ng pera pati puri mo ibinigay mo pa.

Anyway, nangyari na ang hindi dapat. Hindi pa naman nakukumpirma kung magbubuntis ka dahil sa ginawa ninyo, kaya kalma ka lang. At kung sakaling lusot ka ay magtanda ka at gamitin nang mabuti ang isip. Kaya may mga naloloko ay dahil may nagpapaloko.

Marami pang lalaki sa mundo, kaya huwag­ kang umakto na parang mauubusan ka. Maki­salamuha ka sa iba, dumalo nang iba’t ibang okasyon at makipagkilala para malaki ang tsansang Makita mo ang lalaking maglalaan ng tapat na intensiyon sa’yo.

Dr. Love

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: