PSN Dr.Love ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Pawiin ang tampo ngayong Pasko

Dear Dr. Love,

Kahit hindi pa nagsasabi ang aking inay, alam kong may ipinagtatampo siya. Bigla na lang kasi siyang nagpaalam sa akin kahapon at gustong magpahatid sa kapatid kong bunso sa Cavite.

Ganoong-ganoon din po ang ginawa niya nang umalis sa bahay ni kuya dahil may tampo siya rito at ayaw na raw niyang bumalik doon.

Ang inaalala ko ay walang kasambahay ngayon ang bunso namin kaya nagpapalaba at plantsa siya sa iba. Baka mahirapan si nanay sa pag-inom ng kanyang gamot at pagtuturok ng insulin kapag naroon na siya.

At least dito sa bahay ko ay may tumitingin sa kanyang caregiver.

Hindi na po ako nakatiis at tinanong ko ang aking ina kung may naging problema siya sa amin. Hindi naman siyang nag-atubiling sabihin na hindi siya iginagalang ng kanyang apo.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Nang minsang punahin daw niya ang anak kong si Myrna sa pagsusuot nang sobrang iksing damit at luwa ang dibdib ay sinagot daw siya nito. Marami pa siyang reklamo sa aking anak, Dr. Love.

Hindi na rin daw niya matagalan na pinagtatawanan siya nito kasama ang mga kaibigan nang datnan siyang nakikinig ng mga lumang kanta sa radyo. Wala anyang pasintabi ang mga bata nang buksan ang tv para manood. Ang sagot daw ng anak ko ay millenials sila.

Hindi ko po mapapalampas ang ganitong trato ng aking anak sa sarili kong ina. At ipinangako ko kay nanay na hindi na mauulit ang maling asal ng aking anak sa kanya.

Sa sinabi kong ‘yun ay nakumbinsi ko ring ipagpaliban na lang ni nanay ang pag-alis at pagpunta sa bahay ng bunso kong kapatid. At hindi na ako nag-aksaya ng oras na kausapin ang aking anak.

Gaya nang pagsagot niya sa kanyang lola ay ganon din ang ipinakita niyang ugali sa akin. Talaga bang ganito na ang mga kabataan ngayon, Dr. Love? Nahihirapan akong intindihin ang sarili kong anak. Ano po ba ang dapat kong gawin?

Gumagalang,

Minerva

 

 

 

Dear Minerva,

Ang mainam ay kausapin mo nang masinsinan ang iyong anak, mahinahon pero may awtoridad. Himukin mo siyang itama ang trato niya sa kanyang lola na siyang dahilan kung bakit siya may ina at balang araw ay magiging katayuan din niya sa buhay. Kaya marapat lang na pagmamahal ang ipadama niya nang  mawala ang pagtatampo ng kanyang lola at mas ma­ging makabuluhan ang pagdiriwang ninyo ng Pasko.

Merry Christmas sa inyong lahat!

DR. LOVE

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: