PSN Dr.Love ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Battered wife

Dear Dr. Love,

Sana po ay ibuhos ng Panginoong Diyos ang kanyang buong pagpapala at grasya sa inyo sa Kapaskuhang ito, Dr. Love.

Tawagin mo na lang akong Loida, 27 anyos at may asawa pero walang anak. Ang mabigat ko pong problema ay ang aking asawa na nananakit sa akin. Parang hindi kumpleto ang araw niya kung hindi niya ako masasaktan sa loob ng isang araw.

Ilang beses na po akong lumayas at umuwi sa aking mga magulang. Pero sinusundo niya ako at sinusuyo palagi. Ang hindi ko maintindihan, kahit binabali niya ang mga pangakong hindi na ako uli sasaktan ay palagi akong nagbabalik sa kanya.

Natatakot po akong mawala siya sa akin sa kabila ng lahat. Mahal ko po siya sa kabila nang pananakit na ginagawa niya.

Palagay ko, ito ay dahil wala kaming anak. Pero nagpatingin na kami sa doktor at wala namang may problema sa amin. Paano po kaya magbabago ang asawa ko? Maganda sana at matatag ang trabaho niya habang ako ay housewife lang. Ano po ang gagawin ko?

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Loida

Dear Loida,

Hindi ka nag-iisa dahil marami ang martir na gaya mo. Tinatanong mo kung papaano mababago ang ugaling umbagero ng mister mo? Hindi ko alam ang sagot. Palagay ko he needs psychiatric help dahil abonormalidad na sa isip iyan. Kung imumungkahi mo naman na dalhin siya sa doktor, baka lalo ka niyang umbagin.

Tingnan mo rin ang sarili mo at baka may nagagawa kang hindi niya ibig. ‘Yun ang iwasan mo. Ngunit kung sa palagay mo ay sinasaktan ka niya nang walang dahilan, sorry to say pero palagay ko, may kapansanan na sa isip ang asawa mo.

Dr. Love

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: