PSN Dr.Love ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Disyembre 23, 2017

Pagtitibay: Mananaig ang pag-ibig ng Maykapal sa puso ng bawat taong nagtitiwala sa kanya.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Matutukso sa panlabas na anyo ng isang opposite sex subalit ang ugali naman ay taliwas sa ina­asahan. Sa ginagawang pagbabalewala sa kalusugan, ngayon maniningil sa pang-aabuso at pagpapabaya rito. Lucky numbers at color for the day ay 1, 15, 20, 34 at dark blue.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Hindi maaapektuhan ang mga plano na magdudulot ng mabuting resulta kung iiwasan na mag-init ang ulo at maging emosyonal. Magiging produktibo ang araw kung gugustuhin. Kalimutan ang mga kapalpakang nagawa at isipin na isang aral sa pagtutuwid sa mga pagkakamali. Lucky numbers at color for the day ay 2, 16, 26, 36 at green.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Ang talinong taglay ay pagkakakitaan nang husto kaysa sa kasalukuyang trabaho. May taglay na kakaibang kakayahan na dapat pag-ukulan ng panahon para ma-develop. Lakas ng loob ang daan sa tagumpay. Lucky numbers at color for the day ay 3, 17, 32, 41 at silver.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Makabubuting pakiramdaman at sundin ang idinidikta ng kalooban dahil malakas ang taglay na ESP. Ipinapayong huwag ngayon mangutang at mahihirapan lamang magbayad. Iwasan ang magbuhat ng mabigat dahil may kahinaang ang baywang at tuhod. Lucky numbers at color for the day ay 3, 23, 26, 35 at cream.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Sikapin na mabuksan ang komunikasyon para sa  isang kaibigan. Magiging masigla at masayahin sa araw na ito. Dahil dito, marami ang gawaing matatapos at obligasyon na magagampanan. Huwag paunlakan ang nagyayayang kaibigan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 22, 31, 36 at ocean blue.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

GEMINI  (Mayo.21- Hunyo 21) – Maging tapat sa sarili at iwasan ang maging magagalitin. Magkaroon ng malakas na disiplina sa sarili kung ibig magbago. Huwag patagalin ang bagay na gustong sabihin dahil ito ang magbibigay ng suliranin sa kalaunan. May pagkakataong makabili ng bagay na hindi gaanong kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 1, 21, 26, 37 at yellow.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Huwag pansinin ang mang-aasar. Iwasan  ang argumento upang hindi mapaaway o magkaroon nang kagalit dahil magiging maikli ang pasensya sa araw na ito. Mahalagang mag-relax upang gumaan ang isipan at kalooban. Lucky numbers at color for the day ay 6, 20, 33, 43 at violet.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Dahil taglay nga­yon ang mataas na antas ng karisma, mada­ling  makakaunawa at kabigha-bighaning kausap. Magiging maganda ang epekto nang pakikipagkasundo sa matagal nang kagalit. Paglaanan ng panahon ang sariling paglilibang. Lucky numbers at color for the day ay 5, 19, 22, 29 at sky blue.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Tama ang desisyong tawanan ang problema at hanapan ng solusyon sa mahinahong paraan. Magiging abala sa pagpapaayos ng tahanan at pagtatanim  na siyang magbibigay sa iyo ngayon ng sigla. Lucky numbers at color for the day ay 4, 18, 39, 40 at milk white.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Matutupad at maibibigay ang naipangako. Iwasan ang gumawa ng bagay na makakasakit sa damdamin ng kapwa. Tutuwirin nila ang kanilang pagkakamali sa oras na malamang tama ka. May hihingi ng iyong pang-unawa o paumanhin. Lucky numbers at color for the day ay 12, 16, 24, 37 at brown.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Ang taglay na munting problema ay maaaring lumaki kung hindi aaksiyunan o kung papalipasin nang ilang araw. Ang dadaluhang salu-salo ay kasasangkutan ng oportunidad na may kinalaman sa pera o trabaho. Lucky numbers at color for the day ay 17, 24, 30, 37 at emerald green.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Magiging taliwas sa inaasahan ang pangyayaring magaganap. Upang mapanatili ang mataas na antas ng respeto at pagkatao ipakita ang kabutihan at respeto sa kapwa. Iwasan ang drama nang pagiging emosyonal sa pagtupad ng gawain. Lucky numbers at color for the day ay 8,23,24,29 at jade green.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: