PSN Dr.Love ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Worried na maging ‘malamig’ ang Pasko

Dear Dr. Love,

Nangangamba ako na mapabilang sa mga sinasabing samahan na “malamig’”ang Pasko, dahil nanlalamig na ang pakikitungo sa akin ng boyfriend ko.

Hanggang ngayon ay palaisipan sa akin kung bakit biglang nag-iba ang damdamin niya. Ang dating agresibo niyang pag-iisip tungkol sa aming planong pagpapakasal ay naglaho na rin.

Kung dati ay marami siyang pangarap para sa amin, ngayon kahit pa ang ambisyon niyang makapagturo ay nagbago na rin. Kung kailan nakatapos na siya at may pinapasukan ng public school ay balak niyang mag-iba ng career. Gusto niyang mag-masteral ng ibang kurso dahil mabagal anya ang asenso sa pagtuturo.

Unti-unti na rin siyang nawawalan nang panahon para sa amin. Ang sabi ng kaibigan ko ay ihanda ko na ang aking sarili dahil hindi anya malayo na isang araw ay makikipag-break na si Garry sa akin.

Sa totoo lang po, inaasahan ko na ang bagay na ‘yun. Pero hindi pa ako nakakatiyak kung nakahanda na akong marinig sa kanya na “wala” na kami.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Ang balita ko ay tuluyan na siyang nag-resign sa pagtuturo at nag-enroll na ng management. Sa kabila nang mga nagiging pagbabago sa relasyon namin, natutuwa naman po ako dahil nagagawa niya ang gusto niya para sa kanyang career.

Sa palagay n’yo po ba, dapat ko pang ungkatin ang tungkol sa kasal? Payuhan po ninyo ako kasi hindi na rin ako sigurado kung mahal ko pa siya o kung may damdamin pa siya para sa akin.

Advance Merry Christmas and more power sa inyong column.

Gumagalang,

Mary Joyce
 

 

Dear Mary Joyce,

Gaano man kaliit ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan nang magkarelasyon ay mahalagang pagtuunan ito ng pansin. Naniniwala ako na hindi naman mamasamain ng boyfriend mo kung minsan pa ay linawin mo sa kanya kung ano na ang estado ng inyong relasyon. Sa palagay ko ang higit na kailangan ninyo ngayon ay i-workout na magkaroon kayo ng panahon para sa bawat isa. Sa ganitong  paraan lang mabibigyang seguridad mo ang kalooban mo kung nasaan ka na sa puso ng boyfriend mo.

DR. LOVE    

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: