PSN Dr.Love ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Klepto

Dear Dr. Love,

Advanced Merry Christmas, first of all, to you and to your readers. Tawagin n’yo na lang akong Randy, 23 anyos.

Dalawang buwan ko nang kasintahan ang aking girlfriend ngayon hanggang sa may matuklasan akong hindi maganda sa kanya.

Nang minsang bumisita ako kasama siya sa aking mga kamag-anak, may nawalang maliit na figurine sa kanila.  Hindi ko naman inakalang siya ang kukuha nun. Pero naulit ng ilan pang beses.

Nang dalhin ko siya sa bahay namin, nawala ang pulseras ng aking younger sister na ipinatong lang sa mesa nang siya ay maligo. Medyo kinabahan na ako noon pero nahihiya naman akong tanungin siya.

Nang minsang mag-shopping kami sa isang mall, nang papaalis na kami matapos magbayad sa counter ay pinigil kami ng guard at kinapkapan siya. Nakunan pala siya ng cctv camera. Nakuha sa kanyang handbag ang dalawang bote ng pabango. Dumating ang in-house investigator ng mall at kinunan siya ng litrato. Katakutakot na sorry ang ginawa ko. Pinabayaan naman kaming makaalis matapos bawiin ang nakuhang pabango pero ipinaskel ang kanyang larawan sa mall.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Nang tanungin ko siya, sinabi niyang hindi niya alam kung bakit niya nagawa ‘yon. Dapat na ba akong makipag-break?

Randy

 

Dear Randy,

It is your take kung makikipag-break ka o itutuloy mo ang relasyon at tulungan siyang ma-rehabilitate sa kanyang karamdaman. Yes, isang sakit iyang hindi mapigil na pang-uumit o pagnanakaw na kung tawagin ay kleptomania.

May paraan para magamot iyan sa tulong ng psychiatrist. Sabi nga, walang kapintasang nakikita ang tunay na pag-ibig.

Kung kaya mo siyang unawain at pagtiyagaang mabago dahil mahal mo siya, gawin mo iyon. Ang kailangan niya ay professional help ng psychiatrist.

Dr. Love

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: