PSN Dr.Love ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Nilayasan ng mga anak

Dear Dr. Love,

Sumainyo ang pagpapala ng Panginoon lalo na sa nalalapit na Pasko. Tawagin n’yo na lang akong Misis Heartbroken, 49-anyos.

Ako po ay isang biyuda at may apat na anak na pawang nakatapos na at ang dalawa ay may asawa na.

Ang dalawa ko pong anak na tangi kong kasama sa bahay ay iniwanan ako nang may hinanakit at ‘yung dalawa pa ay galit na galit sa akin. Sa pagkakaalam ko ay nagsisama na sa kani-kanilang mga kasintahan ang dalawa kong anak magmula nang umalis sila, tatlong buwan na ang nakararaan.

Ang dahilan ay dahil nakipagrelasyon ako sa kapitbahay naming biyudo. Ayaw na raw nila akong mag-asawa pa. Pero wala namang masama, hindi po ba? Pareho kaming single.

Gusto na nga naming magpakasal. ‘Yung mga anak ng boyfriend ko ay boto naman sa akin. Pero mahal ko ang aking mga anak. Ano po ang gagawin ko?

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Misis Heartbroken

Dear Misis Heartbroken,

May karapatan kang lumigaya lalo pa’t patay na ang asawa mo at ang asawa ng kasintahan mo ngayon.

Ano ba ang matimbang sa iyo, mga anak mo o ang iyong kasintahan? Ano man ang piliin mo ay walang masama. Ikaw lang ang makakapagdesisyon niyan.

Ang mga anak mo ay may kani-kaniya nang buhay at nangangailangan ka rin naman ng kakalinga sa iyo pagdating ng araw, bagay na hindi nila maibibigay dahil may pamilya na sila.

Desisyon mo iyan, kaya ikaw ang pumili.

Dr. Love

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: