PSN Dr.Love ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Ayaw ng pagbabago

Dear Dr. Love,

Maraming beses ko nang sinubukang mapaliwanagan ang aking mister para pag-aralan niya ang paggamit ng computer pero hanggang ngayon ay bigo ako dahil ayaw niya ang pagbabago.

Kapwa kami retirado na sa trabaho at ang aming tatlong anak ay may kani-kaniya nang pamilya. Kaya naman parang balik ang buhay namin sa square one.

Bagaman malaki na ang kaibahan ngayon dahil may edad na kami at hindi na gaya noon na ganado kami sa lahat. Bihira na kaming magsi­ping at madalas ay masaya na sa holding hands.

Ok naman talaga ang pagsasama namin, Dr. Love. Kaya nga lang gaya nang lagi kong paliwanag kay Gardo, paano kung mauna ako sa kanya? Kung hindi niya alam ang pag-aasikaso sa mga transaksiyon namin sa bangko lalo na ang pagbabayad gamit ang internet, paano na?

Halos wala nang panahon ang aming mga anak sa amin, dahil abala sa kanilang sariling pamilya at hanapbuhay. Pero matigas ang mister ko. Kahit ano pa raw ang gawin ko ay hindi niya gustong matutunan ang modernong sistema.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Hindi ko naman po gusto na pagmulan ito nang hindi namin pagkakaunawaan, pero mas mainam po kasi na alam niya ang mga ginagawa ko para kapag wala ako ay hindi siya manga­ngapa. Paano po ba ang dapat kong gawin para makumbinsi ang mister ko? Pagpayuhan po ninyo ako.

Gumagalang,

Aling Concha

Dear Aling Concha,

Kadalasan ang matagal na nakasanayan ay hindi basta nababago. Maaaring sa ngayon ay may pag-aalinlangan pa ang mister tungkol sa paggamit ng computer. Pero sa halip na iginigiit mo ang pagtuto sa paggamit nito sa kanya, sikapin mong maipakita ang kainaman nito.

Naniniwala ako na unti-unti ay mapagbabago mo ang pananaw niya, lalo na kapag sa minsang hindi inaasahang pangangailangan ay naipakita mo sa kanya ang hustle free na dulot sa inyong mag-asawa ng modernong sistema.

Dr. Love

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: