PSN Dr.Love ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Nang siya ay tumaba

Dear Dr. Love,

Nagpupugay ako sa inyo at sa lahat ng staff ng PS NGAYON. Matagal na po akong suki at taga-subaybay ng number one ninyong diyaryo.

Tawagin n’yo na lang akong Rica Menes ng Valenzuela City. Labing-siyam na taong gulang ako nang iwanan ng boyfriend ko para magtrabaho sa Guam. Tawagin mo na lang siyang Rolly. Siya ay kasintahan ko simula pa nung high school. Matanda siya sa akin ng tatlong taon at nang makatapos sa kolehiyo ay pumasok bilang seaman at nawala siya ng tatlong taon.

Sa loob ng panahong ‘yun, hindi ko siya pinadadalhan ng bagong retrato sa facebook dahil napansin ko na tumaba ako. Hindi naman masyado pero marami ang nakakapuna.

Natapos ang kontrata niya at hindi na siya nag-renew dahil magpupundar na lang daw ng business sa Pilipinas. Pero isang bagay ang napansin ko. Palagi niya akong pinipintasan sa aking katabaan. Nasasaktan tuloy ako at natatakot na baka iwan niya ako. Ano ang gagawin ko?

Rica

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

 

Dear Rica,

Walang masama kung constructive ang pagpuna niya para gumawa ka ng hakbang na magpapanumbalik ng iyong dating ka­seksihan.

Pero kung iiwanan ka niya dahil lang sa pagtaba, ano’ng klase siyang lalaki? Dahil lang ba sa porma ng katawan ay lalayuan ka niya?

Ngunit kung hindi ka naman iniiwanan at hindi nanlalamig sa pakikitungo sa iyo, ituring mong isang paalala sa iyo ang pagpuna niya na dapat kang magpapayat. Disiplina lang naman sa katawan iyan. Iwas sa sobrang kain at mag-exercise ka. Lalo ngayong magpa-Pasko, huwag masyadong magkakain.

Dr. Love

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: