PSN Dr.Love ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Kinapos ang birthday treat

Dear Dr. Love,

Hindi ko po maitago ang sama ng loob sa dalawang matalik kong mga kaibigan. Matapos nila akong paasahin sa birthday treat na hindi naman natupad.

Matagal na kaming magkakabarkada nila Hazel at Grace. Lahat kami ay may trabaho na pero kahit magkakahiwalay ang kinaroroonan namin hindi nawawala ang bonding moments, lalo na sa tuwing magbi-birthday ang bawat isa sa amin.

Sa taong nakalipas, ang bonding namin ay sa isang hotel. Dahil isang araw lang ang pagitan ng birthday nina Hazel at Grace, pinagsabay na namin itong ipagdiwang at ako ang sumagot ng pamasahe nila paluwas mula sa Bisayas, maging ang reservation naming tatlo para sa first class dinner sa isang hotel.

Malaki naman na ang savings ko kaya treat ko na ‘yun para sa mga kaibigan ko. Natuwa sila nang sobra at nangakong sila naman ang bahala para sa libreng tira at almusal sa isang hotel sa Metro Manila sa darating kong birthday.

Pero sa kasamaang palad, kapwa sila hindi sumipot sa araw ng birthday ko. Bagaman may reserbasyon pa rin ako pero hindi sa pangako nilang 5 star hotel kundi sa mumurahin lang na establisyamento sa Sta. Mesa.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Nag-apologize sila sa hindi pagkatupad ng kanilang pangako dahil nataon daw na nagipit sila financially. Babawi na lang daw sila sa susunod na birthday ko at papupuntahin nila ako ng Bisaya.

Naghihinanakit po ako, dahil ipinagmalaki ko pa naman sa kapatid ko na isasama ko siya sa tatlong araw na staycation sa hotel.

Dapat ko pa po bang ipagpatuloy ang pakikipagkaibigan sa kanila matapos nila akong paasahin sa wala? Pakiramdam ko ay wala akong importansiya sa kanila. Ano po ang dapat kong gawin para maipadama ko sa mga kaibigan ko na hindi ko nagustuhan ang ginawa nila sa akin? Pagpayuhan po ninyo ako.

Maraming salamat po at God bless you more.

Gumagalang,

Nelia

Dear Nelia, 

Sa palagay ko, hindi gaya nang iniisip mo ang nangyari kung kaya hindi nakatupad sa kanilang pangako ang mga kaibigan mo. Dahil pareho silang nag-apologize at marahil sa kabila nang gipit na sitwasyon ay nagsikap pa rin sila na magkaroon ng reservation para sa’yo.

Ang anumang pagbibigay sa ating kapwa ay nawawalan ng kabuluhan kung umaasa tayo na matutumbasan ito ng kapalit. Para sa akin, hindi makatuwiran ang paghihinanakit mo, sa halip dapat ay unawain mo ang iyong mga kaibigan at magpasalamat pa rin sa kanilang nakayanang effort.

Sa panahon ngayon, mahirap nang magkaroon ng tunay na mga kaibigan. Kaya sana, hindi masayang ang maraming taon na ninyong pagsasama dahil lang sa kinapos na birthday treat nila para sa’yo.

DR. LOVE

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: