PSN Dr.Love ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

May phobia sa lalaki

Dear Dr. Love,

Kumusta po kayo Dr. Love?  Sana’y ma­ging mabiyaya ang darating ninyong Pasko. Umaasa rin ako na makatutulong kayo sa paglutas sa problema ko.

Ako po si Josie, 22 years-old na taga Pandacan, Manila. Ang problema ko ay marami akong manliligaw pero wala akong sinasagot dahil takot ako na magkaroon ng boyfriend.

Isa sa mga manliligaw na ito ay si Rene, 29 years-old. Mabait po siya at masipag pero hindi siya kagandahang lalaki. Mahigit isang taon na po siyang nanliligaw sa akin pero ang panliligaw na ito ay sa sulat lamang niya sinasabi.

Nagulat ako nang bigla siyang pumunta sa bahay.  Hindi ko po akalain na ang lahat ng mga sinasabi niya sa sulat ay sasabihin niya sa akin nang personal.  Nakahanda raw siyang maghintay kahit ilang taon. Pero nanaig pa rin sa akin ang takot na baka puro kasinungalingan lang ang mga sinasabi niya sa akin.

Ito po ang gumugulo sa isipan ko sa ngayon. Hindi ko rin po matiyak ang  tunay na damdamin ko para sa kanya.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Pagpayuhan po ninyo ako.

Lubos na gumagalang at nagpapasalamat,

Josie

 

Dear Josie,

May kasabihan sa Ingles na “the taste of pudding is in the eating.”

Nagiging masakit lamang ang kabiguan sa pag-ibig ng babae kung ipinauubaya niya sa kanyang boyfriend ang lahat-lahat at alam mo na ang ibig kong sabihin.

Kung may feelings ka sa iyong suitor, walang masama kung sasagutin mo siya. Pero sa panahon ng inyong engagement ay kilalanin mo siyang mabuti at alamin ang pagkatao.

Dr. Love

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: