PSN Dr.Love ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Karibal ang BFF

Dear Dr. Love,

Hindi ko maiwasang hindi mag-isip sa mala­king­ posibilidad na maulit na mawala sa akin ang lala­king type ko dahil mas pipiliin ang best friend ko.

Mula sa aming kindergarten days, magkaibigan na kami ni Guia. Siya ang pinakamaganda at pinakamabait sa aming klase bukod pa sa pinakamayaman. Isipin n’yo na lang kung gaano ang atensiyon nakukuha niya sa school, lalo na sa mga boys na attracted sa kanya. Mapa-higher level o kahit mga kapatid at pinsan ko nagkakagusto sa kanya.

Kapag kami ay magkasama, mistulang sidekick niya na ako na tagapagdala ng kanyang gamit at loyal na kaibigan. Hindi ako kasing ganda niya pero lagi niya akong gusto kasama dahil na rin natuturuan ko siya sa mahihirap naming lesson.

Sa unang pagkakataon ay nagka-boyfriend ako pero nang makilala niya si Guia ay nakipag-break siya sa akin para maligawan ang best friend ko. Hindi ko naman ikinagalit ito kay Guia dahil hindi naman niya alam na ganon ang ginawa ng ex ko.

Nang magkolehiyo ay lumipat ako ng school, halos limang taon din kaming hindi nagkita ni Guia. Pero kapag may mahalagang okasyon ay hindi niya ako nakakalimutang imbitahan, naging maid of honor pa nga ako nang makasal siya. At nang manganak ay kinuha niya akong ninang ng panganay niya.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Nurse na ako ngayon at dalawa na ang anak ni Guia pero nabalo na siya. Barkada pa rin kami, parang hindi nga kami nagkalayo. Parang bumalik din ang kompetisyon. Dahil kapag may mga nanliligaw sa akin at nakilala siya ay itsa­pwera na ako.

Ngayon po ay may type akong guy, isang doktor sa ospital na pinapasukan ko. Ang worry ko ay kapag nakilala niya si Guia ay maulit muli na mawala sa akin ang lalaking gusto ko, gaya ng naging boyfriend ko noon.

Payuhan po ninyo ako kung dapat ko bang kausapin si Guia para hindi mabaling sa kanya ang atensiyon ni Bernard?

Maraming salamat po at happy holiday season. 

 Gumagalang,

 Merciai  

Dear Merciai,

Hindi naman kasalanan ng best friend mo na attracted siya sa mga guy na nakukursunadahan mo. Ang sabi mo nga ay hindi niya alam noon na hiniwalayan ka ng boyfriend mo para ligawan siya at ngayon ang doctor na gusto mo na posibleng ma-attract din sa kanya at wala ka na sa eksena.

Unang-una kung alam ni Bernard na mag-best friend kayo at para ligawan din niya si Guia, hindi mo siya deserve. Kaya kung ako sa’yo dump the guy. Nakakatiyak ako na makakilala ka ng lalaki na pahahalagahan ang kalooban mo kahit pa sa harap nang mistulang nagiging karibal na best friend mo.

DR. LOVE

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: