PSN Dr.Love ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Special attention

Dear Dr. Love,

Hi and hello Dr. Love!

Nagpapasalamat po ako sa paglalathala ninyo­ ng aking sulat. Tawagin n’yo na lang akong La­arni. Ako po ay isang public school teacher, 22 years-old at bago lang sa aking school na pinagtuturuan.

Nais ko pong ikonsulta ang aking nararamdamang pagkailang sa isang co-teacher na ma­lagkit makatingin sa akin at lagi akong pinag-uukulan ng special attention.

Siya ay 51-anyos na at biyudo. Hindi pa naman siya nanliligaw sa akin, pero talagang asiwa ako sa ginagawa niya.

Nahihiya po ako dahil marami sa school ang nakakapansin. Pagpayuhan sana ninyo ako kung ano ang dapat gawin. Hindi ko na sana ito papansinin pero nagseselos tuloy sa kanya ang aking boyfriend.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Kailangan ko po ba siyang kausapin o hahayaan ko na lang siya sa kanyang panunungkit ng bituin nang nag-iisa?

Laarni

 

Dear Laarni,

Hayaan mo na lang siya sa kanyang pag-uukol ng espesyal na atensyon sa iyo basta huwag lang hahantong sa sexual harassment. Baka naman hinahangaan ka lang niya at walang masama roon.

Minsan, pasundo ka sa boyfriend mo at kung may pagkakataon, ipakilala mo siya sa co-teacher mo. Baka sakaling mabawas-bawasan ang kanyang ligaw-tingin sa iyo.

I-suggest mo iyan sa kasintahan mo para hindi na siya magselos. Wala naman siyang dapat ipagselos kung hindi ka naman nakiki­pagrelasyon sa iba.

Dr. Love

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: