PSN Dr.Love ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Takot ma-in love

Dear Dr. Love,

May pinagdaraanan po ako ngayon na hindi ko magawang ipagtapat kahit sa pinakamatalik kong kaibigan. Salamat sa column mo, na agad kong naisip na hingian ng payo. Ang problema ko, mukhang in-love na ko pero nilalabanan ko dahil natatakot ako.

Dati ko siyang kaklase sa isang minor subject sa engineering class ko. Dalawang taon pa bago ako maka-graduate at natatakot akong maging hadlang ang pagkakaroon ng special feelings sa iba.

Ayaw ko po matulad sa pinsan ko na natigil sa pag-aaral dahil sa matinding depression nang mag-break sila ng boyfriend niya. Ang nakakatandang kaibigan ko naman ay buntis, tinakwil siya ng magulang kaya nasa boyfriend niya ngayon. Natatakot po akong maranasan ang ganong sitwasyon at sa bandang huli ay lolokohin lang.

Noong high school ako may ka-MU po ako pero pinaglaruan lang pala niya at ng mga kabarkada niya ang feelings ko. Nalaman ko na pinagpustahan lang pala nila kung kakagat ako sa pagpapa-cute ni Freddie.

Pero ngayon, isang lalaki ang umaaligid sa akin. Pareho kami ng course, magkaiba lang ng section. Madalas ay inaabangan niya ako para alukin na sabay mag-lunch o kaya’y sabay kaming umuwi. Panay din ang pagpaparamdam niya sa facebook. Sa huling post niya, sinabi niyang “I finally found the girl!”

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Malakas po ang kutob ko na ako ang tinutukoy niya, Dr. Love. Dahil sa pagiging persistent niya ay nararamdaman kong nahuhulog na ang loob ko sa kanya. Pero ayaw ko po payagan ang sarili ko, baka mapaglaruan lang uli ako at masaktan. Pagpayuhan po ninyo ako.

Ghe

 

 

Dear Ghe,

Maaaring hindi ka pa handa para pasukin ang pakikipagrelasyon. Kung ako ang tatanungin, ok lang naman ‘yun. Dahil bata ka pa naman kaya no need to rush. Makakapaghintay ang pag-ibig at kung tapat ang hangarin sa’yo ng nagpaparamdam na guy, irerespeto niya ang stand mo. Mas maganda kung mahihintay ka niya, ibig sabihin lang seryoso siya sa’yo. Kaya aral muna ha.

Dr. Love

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: