PSN Dr.Love ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Minor de edad ang nobya

Dear Dr. Love,

Isa pong pinagpalang araw sa inyo at sa mga tagasubaybay ng inyong love column.  Harinawa nasa mabuti kayong kalagayan.

Ngayon pa lang ay pinasasalamatan ko na kayo sa pagpapaunlak ninyong mailathala ang aking sulat.

Itago na lang ninyo ako sa alias na Taurus, 23-anyos. Sana po ay mabigyan ninyo ako ng payo sa problema ko.

Ang problema ko ay isang minor de edad ang kasintahan ko. She’s only 14 years old. Tawagin na lang natin siyang Pink Rose,  second year high school. Boto po ang kanyang mga magulang sa akin. Sinabi nila sa akin na hayaan ko raw munang makatapos ng pag-aaral ang kanilang anak at nangako naman po ako na hinding-hindi ko sisirain ang tiwalang ibinigay nila sa akin.

Naging girlfriend ko po siya. Malaki ang bulas niya kaya hindi halata ang edad niya. Pero ngayon ay iniiwasan ko na siya dahil sa ugali niya, dahil nga bata pa siya.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Tama ba ang desisyon ko? Ayaw ko po kasing masaktan lang ako pagdating nang hindi inaasahan at saka nag-aaral pa naman siya.

Dahil sa malawak ninyong karanasan, sa inyo po ako higit na nagtitiwala at umaasa.

Taurus

Dear Taurus,

May kasabihang walang edad na kinikilala ang pag-ibig. Pero may disadvantage ang pagkakaroon ng nobyang minor de edad. Bata pa iyan at puwedeng magbago ang isip. Ikaw ay nasa hustong gulang na at puwedeng  nakatitiyak sa damdamin mo pero siya ay musmos pa.

Tama ka.  Mabuting iwasan mo muna siya at maghintay hanggang dumating ang panahon na nasa hustong gulang na siya. Mabuti kung kausapin mo muna siya at sabihing magturingan muna kayong magkaibigan hanggang makatiyak sa damdamin ng bawat isa.

Huwag mo ring talian ang iyong sarili sa pakikipagkilala sa ibang babae. Kung talagang siya ay para sa iyo, hindi magbabago ang kanyang damdamin kahit na maging ganap na siyang dalaga.

Ang importante, binigyan mo siya ng magandang pagkakataong makilala ang sarili at ang tunay niyang damdamin.

Dr. Love

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: