PSN Dr.Love ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Iniwan ang may sakit na misis

Dear Dr. Love,

Hindi ko maintindihan ang aking sarili, iniwan ko ang misis ko para makapagsama kami ng ka-live in ko. Pero ngayon ay hindi ko maisantabi ang inabandonang asawa dahil sa kalagayan niya.

Hindi lingid sa akin ang pagkakaroon ng health issue ng misis ko. Pero dahil noon ay andyan ang biyanan kong babae para kumalinga sa kanya ay kampante lang ako. May kasama siya sa pagpunta sa doctor at therapy.

Namatay na ang biyanan ko at dahil nag-iisang anak, walang ibang malapitan si misis na pinipilit na mairaos ang sarili nang mag-isa. Bagay na kumukurot sa puso ko. Kaya mula noon ay araw-araw ko siyang pinupuntahan sa dati naming  bahay.

Pinagmumulan naman ito nang pagtatalo namin ng ka-live in ko. Dahil marami pa raw oras ang iginugugol ko sa dating asawa kaysa sa kanya.

Ngayon po ay nakakaramdam ako nang pagka-guilty dahil wala namang ginawang masama sa akin ang misis ko. Sa katunayan kung hindi dahil sa kanya ay hindi ako makakatapos.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Pero paano po kapag ipinamukha sa akin ng ka-live in ko ang naunang usapan namin bago magsama. Ano po ang gagawin ko? Payuhan po ninyo ako.

Maraming salamat po in advance.

Gumagalang,

Edgar

 

Dear Edgar,

Hindi mo nabanggit kung may anak na kayo ng ka-live in mo. Pero ang maipapayo ko ay gawin mo ang tama. At ito ay tuparin ang sinumpaan ninyo magsasama sa hirap at ginhawa ng iyong asawa. At gawin mo ito sa lalong madaling panahon kaysa naman habang-buhay kang magi-guilty dahil sa pag-iwan mo sa iyong may karamdamang misis.

Dr. Love  

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: