PSN Dr.Love ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Salawahang nobyo

Dear Dr. Love,

Kasama po ako sa inyong ‘di mabilang na tagasubaybay at umaasa akong nasa mabuti kayong kalagayan.

Kung puwede ay ikubli na lang ninyo ako sa panga­lang Anita, 20 years-old. Mayroon po akong boyfriend na tawagin na lang nating Mannix. Siya po ay nasa Davao City habang ako ay namamalagi sa Makati City. Masakit po ang loob ko nang lokohin niya ako dahil masyado ko siyang mahal. Naging faithful ako sa kanya pero hindi niya sinuklian ng katapatan.

Nalaman ko ang dahilan kung bakit hindi na niya ako tinitext o mine-message. Mayroon na pala siyang ibang itinatanging babae sa buhay niya.

Nang minsang mag-message siya sa akin sa facebook ay hindi na ako nagdalawang-isip. Naki­pag-break agad ako sa kanya.

Pero sa totoo lang, masakit sa loob ko iyon dahil mahal ko pa rin siya.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Tulungan po sana ninyo ako sa mabigat kong problema.

Anita

Dear Anita,

Masakit nga ang dinanas mo pero lilipas din iyan. Kahit gaano mo siya kamahal, kung ayaw na niya sa iyo ay lalo lamang bibigat ang loob mo kung hindi mo siya lilimutin.

Malay mo, sa isang banda, nakabuti ito sa iyo dahil hindi pa malala ang sitwasyon nang makilala mo ang likaw ng bituka niya. Hindi ba mas masakit na matuklasang mayroong ibang kinahuhumalingan ang iyong nobyo kung kasal na kayo?

Idalangin mo na sana ay makalimutan mo na siya at ibaling mo na sa iba ang paningin mo.

Hindi lang naman siya ang lalaki dahil marami pang iba diyan na higit ang katangian kaysa sa kanya. Cheer up and smile.

Dr. Love

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: