PSN Dr.Love ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Hindi alam kung patay o buhay pa

Dear Dr. Love,

Hello sa inyo, Dr. Love. Nagpapaabot ako sa inyo ng isang magandang buhay, gayundin sa marami mong readers.

Sana po ay mapagpayuhan ninyo ako. Tawagin n’yo na lang akong Thelma, 31 anyos. May kinakasama ako for three years. Hindi kami kasal pero nagmamahalan kami. Biniyayaan din kami ng isang anak na babae.

Kaso po, may masaklap na pangyayari na naganap mag-aapat na taon na ang nakakaraan. Lumubog po ang ferry boat na sinasakyan niya nang umuwi siya sa probinsya.

Maraming nakaligtas pero hindi na po siya nakita. Hindi namin alam kung buhay pa siya o patay na.

Nahihirapan po ako sa pagpapalaki sa isa naming anak at may nanliligaw sa akin. Hindi ko alam kung tamang makipagrelasyon ako sa kanya dahil hindi naman sigurado kung buhay pa ang ka-live in ko. Ano ang maipapayo mo?

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Thelma

Dear Thelma,

Malamang, patay na siya. Kung hindi, gagawa at gagawa siya ng paraan para makabalik sa inyong mag-ina. Pero apat na taon na ang nakakaraan. Kaya it is safe to presume na talagang nasa kabilang buhay na siya. At kung mali ang presumption na patay na siya, kahit mag-asawa ka muli ay walang masama doon dahil hindi naman kayo kasal.

Hindi masamang humanap ka ng katuwang sa pagpapalaki sa anak ninyo basta mahal mo siya. Hindi ‘yung mag-aasawa ka uli dahil nahihirapan ka lang magpalaki ng anak.

Kung mahal mo ang iyong manliligaw, go ahead. Pero kung maaari, magpakasal kayo imbes na maglive-in lang.

Dr. Love

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: