^

Dr. Love

Hiwalay, ibig magpakasal

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Nagpaparating po ako sa inyo ng taus pusong pagbati. Nawa ay mabuti ang kalagayan ninyo sa pagtunghay ng aking sulat.

Ako po si Weena, 35 years-old. Hiwalay po ako sa a­king mister. Hindi ko na po siya matiis dahil palainom ng alak at tuwing malalasing ay sinasaktan ako. May halos tatlong taon kaming nagsama at nagkaroon kami ng isang anak. 

 Noong una ay hindi siya ganoon kaya ko siya sinagot at pumayag magpakasal sa kanya. Pero makalipas lamang ang mga walong buwan ay lumabas na ang masama niyang ugali.

Mas madalas siyang lasing kaysa hindi. Isang taon na kaming hiwalay at hindi naman niya ako sinundan nang bumalik ako sa aming probinsya.

 Sa ngayon po ay may nanliligaw sa akin. Sinagot ko na siya. Mabait at responsable siya bukod sa may magandang trabaho. Puwede ba akong magpakasal sa kanya?

Weena

 

Dear Weena,

Kung hindi nagkaroon ng formal annulment ang kasal ninyo, hindi kayo puwedeng magpakasal. Magiging bigamy iyan kung ipipilit ninyo ang inyong gusto.

Pero kung ibig mo ng annulment, palagay ko’y malakas ang laban mo. Ang pagiging alcoholic ng isang partido sa mag-asawa ay matibay na ground para mapawalang-bisa ang kasal, lalu pa’t sinasaktan ka niya.

Gayunman, magastos iyan at baka hindi mo maka­yanan. Isa pa, nakasisiguro ka na ba sa bago mong nobyo? Baka naman panibagong kalbaryo ang papasukan mo. Mag-isip ka munang mabuti.

Dr. Love

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with