^

Dr. Love

May crush sa bayaw

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Let me first greet you and your legions of readers, a very pleasant day. May this letter find you in fine shape.

Kung puwede, tawagin mo na lang akong Erlinda, 18 years old. Napangasawa ng older sister ko ang lalaki na dati ko nang crush.

Nang unang manligaw siya sa ate ko ay na love at frist sight na ako. How I wish noon na ako ang nililigawan pero hindi nangyari.

After three months ay naging sila na and everything happened so fast. Nagpakasal sila at mag-iisang taon na silang magkasama.

Pero bakit ganun? Hindi nawawala ang crush ko sa kanya.  Tuwing bibisita sila ni ate sa bahay ay nagba-blush ako at hindi ko maintindihan ang damdamin ko.

Paano ko ba maaalis ang damdaming ito na alam kong mali?

Erlinda

Dear Erlinda,

Itanim mo lang sa isip mo palagi na asawa na siya ng ate mo. Magpalit kaya kayo ng katayuan kahit sa isip mo lang, tapos siya ang magkagusto sa asawa mo? Siyempre masasaktan ka.

Kung ano man ang nadarama mo, lilipas din iyan. Ang crush ay paghanga lang. Meanwhile, mag-entertain ka ng mga suitors if you have any at ituring mong wala ka nang pag-asang magmahal pa at mahalin ng crush mo dahil asawa na siya ng ate mo.

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with