^

Dr. Love

Paboritong anak

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Simula’t sapol, dama ko at ng aking kuya na sa aming tatlong magkakapatid ay paborito ay ang bunsong si Jinky.

Hindi naman namin masisisi ang aming mga magulang kung bakit giliw na giliw sila kay Jinky dahil bukod sa maganda ay malambing siya. Ang ipinagdaramdam namin mula noong bata pa kami, sa lahat ng bagay ay pabor lagi sa kanya.

Siya ang pinag-aral sa sikat na private school at hatid-sundo ng kotse ni tatay samantalang kami ni kuya ay naka-school service. Gayunman kami ni kuya ang taun-taon na nakakatanggap ng medalya.

May matatag na hanap-buhay na kami ngayon dahil agad kaming nakakuhan ng magandang trabaho habang si Jinky ay maagang nag-asawa at ngayon ay may dalawang anak.

Ito po ang problema, dahil ang napangasawa niya ay iresponsable. Walang trabaho kaya nasa bahay silang mag-iina. Tuloy ang kaunting naipon ni nanay ay napunta na sa kanilang mag-anak, bagay na ipinagngingitngit namin ni kuya. Buwanan kaming nagbibigay ng sustento para maintenance ni nanay at sa kanila napupunta.

Kinausap ko si Jinky at sinabing panahon na para maghanap ng trabaho ang kanyang asawa. Pero minasama niya ito at nagsumbong kay nanay. Kami pa ni kuya ang napagsabihan.

Pinakiusapan kami ni nanay na huwag apihin ang kanilang kapatid. Wala raw pagtatangi ang pagmamahal nila sa aming tatlo, lamang batid nila noon pa ni tatay na si Jinky ay hindi gaya namin ni kuya na marunong sa buhay.

Mahina na raw siya at kung sakaling sumunod na kay tatay ay huwag pabayaan ang kapatid, sa halip ay tulungan na maging matatag gaya nila. Nagpaplano na raw makipaghiwalay si Jinky sa asawa niya.

Ano po ba ang magagawa namin para sa pakiusap na ito ni nanay?  Paano namin matutulungang makapagbagong buhay si Jinky? Payuhan po ninyo kami.

Maraming salamat po at sana magpatuloy ang inyong pagtulong sa tulad namin na nangangailngan ng mahusay na payo at gabay sa buhay.

Gumagalang,

Delfina

 

Dear Delfina, 

Ang pagkakaroon ng magandang ugnayan bilang magkakapatid ay magandang pundasyon para mas magkapalagayan kayo ng loob. Bilang nakakatanda, sikapin ninyong mapataas ang kumpiyansiya ni Jinky para makahanap ng hanapbuhay para sa kanilang mag-iina.

Alam kong magagawa ninyo ito dahil bukod sa nasa inyo ang pang-unawa, pagsisikap at malaki ang respeto at pagmamahal ninyo sa inyong mga magulang.

DR. LOVE

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with