^

Dr. Love

Indecent proposal

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Isang pinakamainit na pagbati ang hatid ko sa iyo. Sana ay matulungan mo ako sa problemang matagal ko nang kinikimkim sa puso ko.

Tawagin mo na lang akong Severino, 25 anyos at binata pa. Ito’y tungkol sa dati kong kasintahan na ang napangasawa ay pinsang buo ko. Napakabilis ng mga pangyayari.

Mayaman ang pinsan ko at nalagay sa matinding kagipitan ang nobya ko nang kailanganing magpa-opera sa puso ng kanyang tatay. Mahirap lang sila at hindi kakayanin ang P2 milyong sinisingil ng pagamutan para sa isang multiple bypass operation.

Mahirap din ang pamilya ko kaya wala rin akong maialok na tulong kundi ilapit siya sa pinsan kong negosyante. Ang problema ay nagkagusto ang pinsan ko sa kanya.

Ibibigay daw niya ang halaga sa kondisyong magpapakasal sa kanya ang nobya ko. Pinag-isipang mabuti ng kasintahan ko ang indecent proposal. Mahal ng nobya ko ang tatay niya kaya napapayag siyang magpakasal sa aking pinsan.

Dalawang taon na silang kasal ngayon at may isang anak. Pero patuloy pa ring nakikipag-chat sa akin ang dati kong nobya. Hindi raw siya masaya sa piling ng pinsan ko.  Aaminin kong mahal ko pa rin siya pero ano ang magagawa ko? Naguguluhan ako, Dr. Love. Ano ang maipapayo mo sa akin?

Severino

 

Dear Severino,

Malungkot na karanasan. Sinamantala ng pinsan mo ang kahirapan ng iyong kasintahan para makuha niya ito. Mali pero nag-consent o pumayag naman ang babae.

Pero ang masasabi ko’y itiklop n’yo na ang kabanatang iyan at harapin ang katotohanang kasal na ang iyong dating nobya sa iba. Sabihin mang napilitan lang siya dahil sa kagipitan, ginusto pa rin niya ito at nakuha niya ang kapalit na hangad niya: ang maipagamot ang kanyang ama. Kaya patas-patas lang wika nga.

Puwedeng gawing ground iyan para ma-annul ang kasal nila pero ang bunga naman ay magdurusa ang kanilang anak. Hindi puwedeng isakripisyo ang kapakanan ng bata.

Hindi man niya totoong mahal ang asawa niya, ngayon ay may anak na sila. Hayaan niya na ang bata ang magsilbing tagapagbuklod sa kanilang pagsasama.

Makabubuti kung putulin n’yo na ang inyong ugnayan dahil kung magpapatuloy iyan, kahit sa social media lang ay puwedeng makagawa kayo ng kasalanan na kapwa n’yo pagsisisihan.

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with