PSN Dr.Love ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Tinabangan

Dear Dr. Love,

Hello po, Dr. Love. Tawagin mo na lang akong Elsa, 24 anyos. Nag-asawa ako sa edad na 18. Dahil sa kapusukan, nagdalantao ako kaya napilitang magpakasal sa boyfriend ko. Walang nagawa ang mga magulang ko dahil nangyari na ang hindi dapat.

Nahinto ako sa pag-aaral pero si Darwin, ang napangasawa ko ay nagpatuloy nang pag-aaral hanggang sa makatapos at magkaroon ng trabaho.

Pansamantala’y kina Darwin kami nanuluyan. Kalaunan ay nagsarili na rin kami kahit sa isang mumurahing apartment lang. Ibig kong magpatuloy sa pag-aaral pero wala kaming sapat na pera dahil magdadalawa na ang aming anak.

Nadagdagan pa ng isa ang aming anak at dito na nagsimula ang pagbabago ng takbo ng aming buhay. Naging mainitin ang ulo ni Darwin at malimit naming pinagtatalunan ang salapi. Nagnegosyo na rin ako para makatulong kahit kaunti. Sa hirap ng buhay ay kapos pa rin kami. Natuto pang uminom at magsugal ang asawa ko.

Gusto ko na siyang hiwalayan. Namatay na ang pagmamahal ko sa kanya. Noong una ay pinagtatakpan ko pa siya pero nang lumaon ay pinabayaan na niya kami.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Gusto ko na pong humingi ng annulment pero ang inaalala ko, baka naman magka­problema ako lalo na kung ipupuwersa ko ang isyung ito. Baka kunin niya ang aming mga anak.

Ano po ang dapat kong gawin? Tulungan po ninyo ako.

Elsa

Dear Elsa,

Mag-isip kang mabuti sa desisyon mo at sana’y maging aral ang istorya mo sa ibang kabataan na mapusok.

Maaaring nagkulang kayo sa isa’t isa dahil sa maaga ninyong pagsalungat sa buhay na hindi ninyo nakasanayan. Puwersado ang pagsasarili ninyo at hindi pa kayo parehong handa sa buhay may asawa.

Pero mas mabuting pag-usapan ninyong mabuti ang problema. Malay mo, maaaring may pagkukulang ka rin sa iyong asawa kaya natuto siyang maglasing at magsugal.

Dr. Love

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: