PSN Dr.Love ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Turn off sa ulong kalbo

Dear Dr. Love,

Limang taon na kaming mag-on ng boyfriend ko at wala namang problema ang aming relasyon, maliban lang ang hindi ko na maitago na pagka-turn off sa kanya dahil nakakalbo na ang ulo niya.

Kung anu-anong mga gamot sa anit na ang kanyang iminamasahe kasama nang mga her­bal medicine tulad ng dahon ng bayabas ang ginagamit niyang shampoo sa buhok pero hindi na napigilan ang paglulugas nang dati ay makapal niyang buhok.

Ang sabi ng mga tumingin sa kanya na eksperto sa anit, na nasa lahi nila ang pagiging kalbo.

Noon pa man po ang pagiging kalbo ay isang kapintasan ng lalaki na hindi ko ma-take. Iniisip ko pa lamang na ang lalaking makakasiping ko sa gabi ay makintab ang ulo, kinikikig na ako.

Pero one woman man si Robert, tiyak na masasaktan siya kung kakalasan ko siya dahil sa pagkakalbo niya. May time na napapaisip din ako dahil sayang naman ang maraming taon na pinagsamahan namin.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Isa pa mabait ang mga magulang niya at alam ko na magandang kinabukasan ang naghihintay sa aming magiging pamilya kung siya ang pakakasalan ko.

Payuhan mo po ako. Nangangamba rin ako na baka isumpa niya ko.

Maraming salamat po at hangad ko ang pa­tuloy pang tagumpay ng malaganap ninyong column.

Gumagalang,

Azucena

Dear Azucena,

Ang tunay na pag-ibig ay hindi nakabase sa pisikal na anyo, kundi sa damdamin na handa mong ilaan sa kanya anuman ang mangyari.

Marahil hindi ganoon kalalim ang feelings mo sa kanya, kaya na-turn off ka sa pagkalalbo niya.

Naniniwala ako na ang pagmamahal ang nata­tanging dahilan para pumasok at manatili sa relasyon. Kaya suriin mong mabuti ang damdamin mo para sa kanya. Dahil kung iba ang magiging konsiderasyon mo bukod sa pag-ibig baka gaya ng marami ay mauwi rin sa wala ang lahat.

Dr. Love

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: