PSN Dr.Love ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Brave Lady

Dear Dr. Love,

Ngayon pa lang ay ipinapauna ko na ang aking pasasalamat sa pagpapaunlak mo na mailathala ang sulat ko.

Itago mo na lang ako sa alyas na Brave Lady, 23 anyos.

Kabilang ako sa dagsa-dagsang tagasubaybay ng inyong column at binabati ko kayo gayundin ang malaganap ninyong pahayagan sa malaking serbisyong naibibigay ninyo sa mambabasa. Sumulat ako sa inyo para hingin ang mahalaga ninyong payo sa kasalukuyan kong problema.

Nag-aapura ang aking kasintahan na kami ay makasal. Mag-aabroad daw kasi dahil gusto niyang paghandaan ang aming future. Tatlong taon daw ang contract niya bago makabalik muli.

Kaya lang, ako po ang bread winner sa pamilya. Pinag-aaral ko po ang aking kapatid na nag-aaral pa matapos ma-stroke ang father ko at hindi na makapagtrabaho.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Nagtatampo ang boyfriend ko. Mahal ko siya pero hindi ko kayang pabayaan ang sari­ling pamilya.

Ano po ba ang dapat kong gawin? Mara­ming salamat po.

Brave Lady

Dear Brave Lady

Napakamapalad ng iyong mga magulang at kapatid sa pagiging uliran mo. Kung ako ang nasa katayuan mo, masakit man ay pipiliin ko ang aking pamilya.

Ngunit desisyon mo iyan. Kung saan gagaan ang kalooban mo, iyon ang pagpasyahan mo. Sikapin mong timbangin ang mga maaa­ring maging epekto ng desisyon mo dahil dito nakasalalay ang kaligayahan mo.

Mayroon ka ngang asawa kung nakikita mong naghihirap naman ang pamilya mo, makakatulog ka ba?

Maaari ka pang humanap ng ibang nobyong makakaunawa sa kalagayan mo pero mahirap humanap ng mga kapatid at magulang na siyang tunay mong kadamay sa lahat ng hirap o ginhawa.

Baka naman puwede pang mabago ang pananaw ng boyfriend mo. Walang basehan ang kanyang pangamba na kung nasa ibang bansa siya ay baka mayroon pang ibang makaagaw sa iyo.

Pagpaliwanagan mo siya nang husto at kung talagang mahal ka niya, maaaring magkaroon kayo ng compromise formula para makabuo ng isang kasunduang hindi mo pagsisisihan.

Dr. Love

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: