PSN Dr.Love ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Choosy ang ex

Dear Dr. Love,

High school sweatheart ko po si Denver pero sa kabila nang pangyayaring mahal namin ang isa’t isa nagawa kong makipagkalas sa kanya dahil sa udyok ng aking ina. Napakabata ko pa po noon at gayundin si Denver. Fifteen years old ako noon at seventeen naman si Denver .

Ang sabi noon ni mommy makabubuting magtapos muna ako ng pag-aaral, para mas preparado ako sa pagpapamilya kung kapwa na kami financially stable.

Kaya kahit hindi naman kami nagkakagalit, ang sabi ko sa boyfriend ko, cool off muna kami habang nagpapatuloy kami nang pag-aaral at kung kami pa rin ang magkapalaran sa mga darating na bukas, bigyan niya ng pagkakataon ang isang bagong relasyon para sa aming dalawa.

Pero hindi matibay si Denver sa tukso at nabalitaan ko na lamang na nagkaroon na siya agad ng pamalit sa akin makaraang lumuwas ako ng Maynila para mag-aaral sa isang unibersidad doon.

Inihanda ko na sa aking sarili na talagang hindi kami ukol sa isa’t isa at mabuti na lamang at nakinig ako sa aking ina noon. 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Nakatapos na ako ng pag-aaral pero ni-minsan ay hindi ko naisip na humanap ng kapalit ni Denver. Naalala ko pa rin ang masaya naming nakalipas.

Hindi po naglaon at nakatanggap ako ng request sa social media mula sa kanya na gustong maki­pagkaibigan. Mula noon ay naging aktibo ang aming komunikasyon.

Nalaman ko na broken hearted siya sa ikatlong pakikipagrelasyon. Dahil nag-asawa ng foreigner ang huli niyang girlfriend at iniwan sa kanya ang kanilang anak.

Dumating ang pagkakataon na na-realize ko na nandoon pa rin ang pagmamahal ko sa kanya at nakahanda akong tanggapin siya para madugtungan ang aming nakaraan. 

Pero nang makapag-chat kami at mauwi sa puntong ‘yun ang usapan, sinabi niya na sa lahat nang napagdaan niya ay hindi pa siya handang magsimula muli.

Tingin n’yo po ba gumaganti si Denver sa akin sa naging desisyon ko noon sa aming relasyon? Dapat ko pa bang i-pursue ang hangad kong maipagpatuloy namin ang naudlot na relasyon? Payuhan po ninyo ako.

Maraming maraming salamat po at more power.

Gumagalang,

Sonia

 

Dear Sonia,

Hindi ko masasabi kung gumaganti nga kaya ang ex mo sa’yo, kung sa kabila nang pagpapakita mo ng intensiyon na magkabalikan kayo ay choosy pa siya. Pero kung hindi man kayo magkabalikan, huwag mong panghinayangan ‘yun dahil you have a long way to go. Makakakilala ka rin ng lalaking mas karapat-dapat at certified binata na para sa’yo.

Dr. Love  

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: