PSN Dr.Love ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Confused si Miles

Dear Dr. Love,

Ibig ko pong mapagpayuhan ninyo ako tungkol sa lalaking mahal ko.

Itago n’yo na lang ako sa pangalang “Miles” ng Marikina City.

Dr. Love, I feel confused sa damdamin ko sa lalaking napupusuan ko. Tawagin na lang po natin siyang Marlon.

Three months ago nang magkakilala kami at nakadama na ako ng kilig. Masayang-masaya ako dahil nang kunin niya ang phone number ko ay madalas na niya akong tawagan.

Ngunit ang saya ko ay naging kalungkutan dahil after a week, hindi na niya ako tinatawagan. Kung tinatawagan ko naman siya, parang wala siyang ganang makipag-usap sa akin.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

At kung nagtutungo siya sa common friend namin na kapitbahay namin, hindi niya ako pina­pansin. Kaya tinatanong ko sa sarili ko kung mahal ba niya ako? Hindi ko maintindihan.

Hindi ko na po alam ang gagawin ko at uma­asa ako na mabibigyan ninyo ako ng magandang advice.

Miles

Dear Miles,

Talagang mahirap unawain ang pag-ibig. Kung minsan akala mo sa iyo na, ‘yon pala malalaglag pa at makukuha ng iba.

Sana huwag mong masyadong dibdibin kung hindi man itinuloy ni Marlon ang kanyang panlili­gaw dahil baka naman sa pag-uusap ninyong da­lawa noon sa telepono, napatunayan niya sa kanyang sarili na hindi kayo compatible.

Kung naging magnobyo pa kayong dalawa at tapos nagkalas kayo ng relasyon, mas masakit iyon.

Sa tingin ko, bata ka pa kaya marami pang iba ang mapagbabalingan mo ng pansin.

Huwag kang magmukmok sa bahay. Maging aktibo ka sa iba’t ibang organisasyong pang­ka­­b­ataan o estudyante at mula dito maaaring makatagpo ka ng iba na totoo ang magiging damdamin para sa iyo.

Huwag mo ring ihanda kaagad ang loob mo na kung mayroong lalaking nakikipagkaibigan sa iyo na nagustuhan mo, mayroon din silang pagtinging iba kaysa pakikipagkaibigan sa iyo.

Makakalimutan mo rin siya sa sandaling maka­kilala ka ng ibang binata na magtatangi sa iyo ng tunay at tapat.

Abalahin mo ang isip sa mas makabuluhang gawain kaysa palagi mo siyang iisipin dahil ikaw lang ang malulugi sa ganitong sitwasyon.

Go out and enjoy life.

Dr. Love

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: