PSN Dr.Love ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Kahit ipinagpalit sa kabit Mahal pa rin

Dear Dr. Love,

Pagkaraan po ng sampung taong pagsasama, bilang legal na mag-asawa bigla na lang gusto ng trial for separation ng mister ko. At ang dahilan ay ang batang kabit niya na nakilala sa Olongapo.

Wala akong nagawang pagkakasala sa kanya, kaya naman sobra akong nasaktan sa gusto niyang mangyari.

Ang tanging pagkukulang ko lang ay kabiguan namin na magkaanak. Pero hindi lang naman ako ang may problema, dahil ang sabi ng OB-Gyne ko, kulang sa timing ang pagkakataon na sinusubukan naming makabuo. Malimit kasing pagod si Leo at pressure sa malaking responsibilidad niya sa kanilang opisina.

Sa pag-alis niya sa aming bahay, sinabi niyang sagot niya pa rin ang lahat ng gastusin. Kulang na lang ay sabihin ko na kaya kong mabuhay nang mag-isa. Pero sa sobrang pagmamahal ko sa kanya, inisip ko na baka panandaliang-aliw lang ang gusto niya at babalik din sa akin.

Pero nang sumunod naming pag-uusap, sinabi niyang na ang kondisyon ni Linda na kung sila ay magka-anak ay magpapakasal sila para mabigyan ng pangalan ang bata.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Doon na po ako umalma, hindi ko basta isusuko ang maraming taong pinagsamahan namin. Naisip ko bigla ang mungkahi ng kapatid ko na mag-ampon.

Timing naman na may kaopisina akong manganganak pero walang ama. Nagkasundo kami na ako ang aampon sa kanyang anak, sinabi niya mula sa prenatal ay pangalan ko na ang gagamitin para sa kanyang ipinagbubuntis para maiwasan ang komplikasyon.

Isinunod ko ang pangalan kay Leo, alinsunod sa pagpayag niya. Dr. Love mula nang dumating ang baby sa aming bahay, hindi ko na napapansin ang problema ko sa aking asawa.

Madaldal at bibo na ang aking anak nang bumisita si Leo. Kitang-kita ko ang kislap sa mata niya nang makita niya ang anak ko. Mula noon ay madalas na siyang umuwi at laging may dalang mga laruan.

Hindi ko alam kung inaalo niya lang ako para pumayag ako sa annulment, ni hindi ko rin tinatanong ang tungkol sa kanila ng kabit niya.

Dr. Love sa tingin n’yo po ba kung babalik ang mister ko akin, dapat ko pa ba siyang tanggapin?

Maraming salamat po at more power.

Gumagalang,

Criselda

Dear Criselda,

Ikaw lang makakasagot kung kaya mo pa siyang tanggapin. Pero kung ako sa’yo, huwag mong gawing madali ang lahat para sa kanya. Tiyakin mo na hindi na kasali ang kabit sa relasyon ninyo.

Lahat naman tayo ay nagkakamali, pero hindi ibig-sabihin na ok lang magkamali. Dapat lang ay matuto sa pagkakamali at itama ito.

Dr. Love

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: