PSN Dr.Love ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Hipag ang pakakasalan

Dear Dr. Love

Ako po ay sumulat sa iyo upang humingi ng advice sa isang problemang bumabagabag sa akin.

Salamat po at may kolum na katulad ng sa inyo. Matagal na akong sumusubaybay sa iyong kolum at nalulugod ako sa inyong advice.

Tawagin mo na lang akong Nanet. Ang problemang ikukonsulta ko ay tungkol sa aking ama. 

Dalawang taon nang namayapa ang aking ina at kaming magpapamilya ay nagulat nang sabihin niya sa amin na mag-aasawa siyang muli.

Okey lang sa amin na mag-asawa siya dahil hindi namin maibibigay sa kanya ang kalingang maibibigay ng isang asawa.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Kaya lang, ang pakakasalan ng aking ama ay ang aming tiya na kapatid ng aking yumaong ina. 

Matandang dalaga ang aming tiya at ngayon lang namin nalaman ang kanilang istorya. Siya pala ang orihinal na nobya ng aking ama.

Pero there was a sudden twist of fate at ang pinakasalan ng aking ama ay ang aming ina.

Mabigat sa loob naming magkakapatid na ang aking tiya ang pakakasalan ng aming ama. Parang nahahalayan kami dahil kadugo namin ang babaeng pakakasalan niya.

Dapat ba naming payagan ang aming ama na pakasalan ang aming tiya? Pagpayuhan mo ako, Dr. Love.

Nanet

Dear Naner,

Wala akong nakikitang mahalay sa gagawing pagpapakasal ng iyong ama at iyong tiya. Maraming ganyang kaso.

Mabuti nga na kapatid ng iyong ina ang mapapangasawa niya at hindi na kayo mag-aadjust dahil siya ay isang kadugo ninyo. She is the best person to take the place of your departed mother.

Isa pa, magandang oportunidad ito upang maipagpatuloy nila ang kanilang naudlot na pag-iibigan. The way I see it, isang tapat na katipan ang iyong tiya dahil nagpakatanda siyang dalaga alang-alang sa iyong ama.

Dr. Love

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: