PSN Dr.Love ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Walang tiwala sa bayaw

Dear Dr. Love,

Kahit pa may anak at nagsasama na sa iisang bubong ang kapatid kong babae at ang kanyang napa­ngasawa ay nanatiling wala pa rin akong tiwala sa huli.

Maganda ang kapatid ko, mabait at masipag kung bakit ba naman na isang lalaking hindi mawari ang napili niyang pakasalan. Noon pa lang na nagkaka­mabutihan sila ay tinutulan ko na, pero nanaig sa kapatid ko ang pagsama sa lalaki at nagtanan sila.

Wala na akong nagawa pa nang magbuntis na ang kapatid ko hanggang sa magpakasal sila.

Bukod sa itsura ay hindi ko po kasi gusto ang ugali ng mister ni Marissa. Masyadong mahangin at madalas ang mga lumalabas sa bibig ay nakaka-offend lalo na sa mga nakakarinig na hindi siya kilala.

Mula nang sumakabilang-buhay ang aming mga magulang ako na ang tumayong tagpagtaguyod sa kapatid ko, kaya naman nasaktan ako nang labis nang magawa niyang balewalain ako nang magdesisyon siyang sumama kay Teodulfo, na pangalawa niyang asawa.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Sa tagal niyang nawala sa akin, nami-miss ko na talaga ang kapatid ko. Gusto ko rin mapalapit siya sa aking mga anak, alam ko po na mahilig sa bata si Marissa.

Kaya nagpasiya akong imbitahan siya na pumas­yal sa beach house na pag-aari ng mga biyanan ko. Pumayag naman siya pero gusto niyang isama ang kanyang mister. Hindi ko po gusto ang ideyang iyon, dahil hanggang ngayon ay wala pa rin akong tiwala sa bayaw ko.

Ni-hindi ko nga kilala ang partido niya. Ang tanging sabi ni Marissa ay mag-isa na lang daw sa buhay ang asawa niya, na tubong Mindanao.

Ano po ang dapat kong gawin? Dapat ko bang payagan na isama ng kapatid ko ang asawa niya?

Payuhan mo po ako.

Gumagalang,

Cecille

 

Dear Cecille,

Bagaman hindi mo nabanggit kung ilang taon na ang kapatid mo, palagay ko ay nasa hustong gulang na siya. Dahil hindi naman pinapayagan ng ating batas ang pagpapakasal ng isang menor de edad.

Naniniwala ako na panahon na para tanggapin mo ang bayaw mo. Sikapin mong makilala siya para ang matagal mo nang pag-aalinlangan sa kanya ay magkaroon ng katugunan.

Kung hindi man sa ngayon, hindi imposible na sa darating na pagkakataon ay magiging ok na kayo at mas magiging masaya hindi lang ang bonding ninyong magkapatid, kundi maging ng inyong lumalaking pamilya.

Dr. Love 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: