PSN Dr.Love ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Bata ka pa

Dear Dr. Love, 

Mabiyayang pagbati sa inyo at sa mga followers ninyo, Dr. Love.  Ako po si Sonia, dalaga at 15 anyos. Lumiham ako sa inyo para humingi ng payo sa problema ko sa aking pamilya at sa aking boyfriend.

Tawagin na lang nating Jojo ang boyfriend ko. Ang mga parents ko ay tutol sa relasyon namin ni Jojo.

Mahal na mahal ko po si Jojo, Dr. Love at hindi ko malaman kung makapagpapatuloy ang aming relasyon nang hindi magagalit ang aking pamilya.

Sinusubukan ko sana noon na iwasan na si Jojo para mapagbigyan ang aking mga magulang subalit hindi ko po talaga kaya.

Sinabi naman ni Jojo na handa siyang maghintay pero kapwa kami nahihirapan sa a­ming relasyon.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Inalok niya akong magtanan na lang at lumayo. Naririndi na po ako at hindi ko alam kung sasama ako sa kanya o hindi.

Sonia

 

Dear Sonia,

Kaya ayaw ng mga magulang mo sa relasyon ninyo ay dahil nag-aaral ka pa.

Tungkol sa problema mo sa pagyayaya ng iyong boyfriend na magtanan na kayo, ang masasabi ko ay huwag. Tama ang magulang mo na pagtuunan mo muna ng pansin ang pag-aaral. Iyan ang bagay na sabihin mo sa kasintahan mo.

Baka naman kaya nagyayaya siyang magsama na kayo ay dahil ikaw ang dumaraing sa mahirap na pagpapatuloy ng inyong relasyon dahil sa kahigpitan ng mga magulang mo.

Mas mabuti ang may pinag-aralan para ma­ging secure ang kinabukasan.

Kung talagang mahal ka ng nobyo mo, kahit hindi kayo magkita, mamahalin ka niya at hindi ka niya ipagpapalit sa iba.

Sa isang magnobyo, kung minsan mahirap ang palaging magkasama dahil bukod sa nadadarang sa tukso, minsan ay nagkakasawaan.

Sana maging makatotohanan ka sa pagharap sa problema mo.

Dr. Love

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: