PSN Dr.Love ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Sinong mag-aalaga kay Eddie?

Dear Dr. Love,

Ako po ay isang biyuda ang tanging kapiling ko sa aming lumang bahay sa lalawigan ay ang anak kong si Eddie. May kapansanan po siya sa pag-iisip.

Kaya bago sumakabilang-buhay ang aking mister ay inihabilin niyang maiigi ang pag-aalaga kay Eddie. Bagaman hindi naman po malala ang kaso ng aking anak ay hindi pa rin maipagsawalang-bahala raw nang minsang siyang sinumpong ay nagising na lang akong sasaksakin niya ako ng kutsilyo.

Pangyayaring ikinaalarma nang husto ng iba ko pang mga anak, kaya ipinasya nilang kunin ako at dalhin sa mental hospital si Eddie.

Umigi naman po ang kalagayan niya. Pero ang pangamba ko sa ngayon na ako’y may edad na at minsan na ring na-mild stroke ay kung kanino sa mga anak ko titira si Eddie.

Sa totoo lang po, tutol si Eddie na tumira kanino man sa mga kapatid niya. Dahil ikinahihiya raw siya ng mga ito at kinatatakutan ng kanyang mga pamangkin. Ang gusto ni Eddie pagkalabas niya sa mental hospital ay sa aming bahay sa lalawigan siya titira kahit mag-isa lang.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Pero paano po kung sumpungin na naman siya ng kanyang sakit, maaaring pagtangkaan niya ang kanyang sarili.

Dr. Love may rekomendasyon ang doktor na nag-aalaga sa kanya sa mental. Kung papayag daw kami ay isasama niya si Eddie sa kanilang poultry farm sa Batangas para doon ay katulungin, bagay na makakatulong din sa kanya para maisip niya na may silbi siya sa buhay.

Sa palagay n’yo po ba dapat kaming pumayag dito? Payuhan mo po ako kung ano ang pinakamabu­ting gawin para kay Eddie?

Maraming salamat po at more power to you.

Gumagalang,

Mrs. Pat Garcia

Dear Mrs. Pat Garcia,

Kung wala nang ibang mapagpipilian kung saan safe na mamalagi ang iyong anak na si Eddie at tutal ay kilala naman ninyo ang doctor na titingin sa kanya, maaaring subukan muna para malaman ang epekto sa iyong anak.

Maaari naman ninyo siyang bisitahin para makita ang kalagayan niya sa farm at makakapa mo rin sa iyong kalooban kung dapat na siyang kunin o manatili na lang doon.

Malaking bagay din na lagi mong isama sa iyong mga dalangin ang kalagayan ng iyong anak, Mrs. Pat dahil siya ang mapaghimalang Diyos magpakailan man. Kasama mo ako sa panalangin na ganap nang bumuti ang kalagayan ni Eddie.

Dr. Love

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: