PSN Dr.Love ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Tutol ang partner na mag-anak uli

Dear Dr. Love,

Kumusta po kayo? Sana po, datnan kayo ng liham kong ito na nasa mabuting kalagayan.

May limang taon na po kaming magka-live in ni Marlon, may isa na kaming anak. Maganda ang aming pagsasama at kung tutuusin kasal na lang ang kulang sa aming dalawa.

Pero hindi gusto ni Marlon ang ideya ng kasal. Dahil ang kaopisina raw niya, kung kailan naglakihan ang mga anak ay saka nagkahiwalay dahil may kani-kaniya nang minamahal.

Hindi naman po big deal sa akin ang kasal, kung wala ito sa priorities niya. Ang tanging concern ko po ay ang paghahanap ng kapatid ng aming panganay na si Peter. Gusto raw niya ng baby sister.

Nang i-open ko ito kay Marlon, mukhang nairita siya. Dahil dapat daw ay unahin namin ang magkaroon ng sariling bahay kaysa harapin ang panibagong gastusin sa pagdaragdag ng anak.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Para sa kanya, saka na lang daw namin isipin ang tungkol sa pagkakaroon ng isa pang anak kapag nagkaroon na kami ng increase sa sweldo. Pero Dr. Love, nung magbuntis ako sa aming panganay, wala naman siyang inisip na gastusin.

Sa tingin n’yo po ba palatandaan ang pag-ayaw sa kasal, lalo na pagkakaroon namin ng isa pang anak na nagbabago na ang pagtingin niya sa aming mag-ina?

Maganda naman po kasi ang trabaho at kita niya, katuwang pa niya ako sa lahat ng panga­ngailangan ng aming pamilya pero wala kaming seguridad sa kanya.

Payuhan mo po ako. Dapat ko pa po bang ipagpatuloy ang pakikisama kay Marlon? Mahal ko po siya, sa tingin po ba ninyo mababago pa ang paniniwala niya tungkol sa kasal at ideyang bigyan ng kapatid ang aming anak? 

Gumagalang,

Nelly

Dear Nelly,

Nakakalungkot mang isipin, maraming kaba­baihan ang pumapasok sa live-in na sila ang laging dehado. Hindi ko masabi kung mag­babago pa ang paniniwala ng ka-live in mo tungkol sa pagpapakasal, dahil nakuha ka niya nang wala ‘yun at nagkaanak na kayo. Tungkol sa pag-aanak, sa palagay ko, hindi naman niya ganap na tinututulan ‘yun, prayoridad lang niya ang mag­karoon kayo ng sariling bahay. Pero kung ako sa’yo, mas mainam na mahikayat mo siyang selyuhan ng kasal ang inyong pagsasama saka kayo magdagdag ng anak.

Dr. Love

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: