PSN Dr.Love ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Pinakatatagong lihim

Dear Dr. Love,

Good day po, Dr. Love.

Tawagin mo na lang po akong si Mysterious Lady. Lumiham po ako para ihingi ng payo ang isang problemang kay tagal kong iningatan at kung paano po ito malulutas nang hindi masasaktan ang kalooban ng aking anak at hindi niya ako kamumuhian.

May limang taon na pong namayapa ang aking asawa at ang tanging anak naming lalaki ang siyang naiwan na makasama ko sa aking pagtanda. Ako ay 65-anyos na, ang namayapa kong mister ay matanda ng limang taon sa akin.

Ang lihim ko na hindi ko man lang naipagtapat sa aking mister bago siya tuluyang namayapa ay hindi niya anak si Brandon. Dahil bunga siya nang minsang pagkalasing ko at pakalimot noong panahong masyado akong aburido dahil hindi kami makabuong mag-asawa.

Matalik kong kaibigan ang tunay na ama ng aking anak. Pinaalam ko sa kanya na buntis ako at pinayuhan niya akong buhayin ang bata para magkaroon kami ng anak ng asawa ko. Ginawa ko po ‘yun.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Hindi ko po alam kung nagkaroon ng pagdududa ang asawa ko sa pagkakaroon namin ng anak. Dahil matagal ko siyang pinilit na kumunsulta sa doktor para malaman kung sino sa amin ang may problema at mabigyan ng kaukulang gabay para magbuntis ako.

Ang sabi ng mga kapatid ng asawa ko, wala sa lahi nila ang baog kaya ako ang pinursige nilang magpaalaga sa doktor. Pero sa pagkakabuo kay Brandon, wala sa akin ang diperensiya.

Magkaganon man, nakita ko ang buong pagmamahal, atensiyon at pag-aaruga ng asawa ko kay Brandon.

Wala namang interes ang kaibigan ko na magpakilala pa na siya ang tunay na ama ng aking anak, dahil may sarili siyang pamilya. Sa tingin n’yo po ba ay dapat kong ipagtapat sa aking anak ang katotohanan?

May asawa na po siya at anak, nakatira sila sa aking bahay dahil wala naman na akong ibang makakasama sa buhay. Pagpayuhan po ninyo ako, Dr. Love.

Maraming salamat.

Gumagalang,

Mysterious Lady

Dear Mysterious Lady,

Kung minsan hinihingi ng pagkakataon na maibun­yag ang naitago. Pero maypagkakataon na pinakamainam na manatili na lang sikreto ang lahat, kung ang ibubunga nito ay malalim na sugat na maaaring maging kabigatan mo pa sa mga natitirang araw mo na lang sa mundo.

Dr. Love

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: