PSN Dr.Love ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Kalimutan mo siya

Dear Dr. Love,

Sana ay mapaunlakan ninyong ilathala ang aking problema sa pag-ibig. Tawagin n’yo na lang akong Renilda, 23 anyos.

Mayroon po akong nobyo na isang Japanese. Nagkakilala kami rito sa ating bansa nang sumama siya sa isang tourism tour. Kabilang ako sa mga nagsilbing guide ng kanilang grupo sa pagbisita sa magagandang pook liwaliwan sa bansa.

Madali kaming nagkagaanan ng loob dahil bukod sa cute siya ay napakamaginoo pa. Hindi nagtagal ay kami na nga.

Halos walang tigil ang komunikasyon namin sa skype o facetime nang bumalik siya sa Japan. Hindi nagtagal, may isa siyang lihim na ipinagtapat. Mayroon siyang ka-live in sa Japan. Gusto raw niya na bumalik sa bansa sometime next year kaya nga lang, kasama niya ang kanyang girlfriend.

Natural lang nasaktan ako.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Ang sabi ni Takeshi, dadalawin niya ako. For friendship na lang daw naman ang pagsasama nila ng kanyang ka-live-in bukod sa ito ang mamamasahe sa kanya.

Subalit pinagsabihan ko siyang huwag na akong hanapin dahil nagbago na rin ang pagtingin ko sa kanya. Tama ba ang sinabi ko?

Renuilda

 

Dear Renilda,

Tama ang sinabi mo sa kanya. Para que pa na dadalawin ka niya? Para ka lang niyang pinaiikot sa kanyang palad. Isipin mo na lang noong ma­ging kayo ay niloloko ka na niya dahil may ka-live in pala siya.

Burahin mo na agad sa isip mo si Takeshi dahil hindi siya deserving sa feelings mo.

Magpatuloy ka sa buhay, maging masaya at darating din ang taong para sa’yo.

Dr. Love

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: