PSN Dr.Love ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Nang magloko si Tatay

Dear Dr. Love,

Dalawang taon nang hiwalay ang mga magulang ko pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap ang kinahinatnan ng aking pamilya, sitwasyon na nakakaapekto nang malaki sa a­king pag-aaral.

Unti-unting nawala ang gana ko sa pag-aaral. Alam kong naalarma ang mga guro rito kaya ipinatawag nila ang mga magulang ko. Nakausap na nila si tatay pero ang nanay ay tumangging humarap kung andon si tatay.

Taun-taon po kasi akong kasama sa honor roll at simula nang mahuli ni nanay si tatay sa pambabae ay nagbago na ang lahat. Tumindi pa ang sitwasyon nang malaman din na buntis na ang ibinabahay ng aming ama.

Agad-agad ay pinalayas na ni nanay si tatay, na ipinanlumo namin ng kapatid ko. Si tatay po kasi ang karaniwang nagtuturo sa amin ng mga leksiyon sa paaralan, siya rin ang kasama naming mamasyal at madalas na kakulitan. Pero wala na siya sa aming bahay ngayon.

Wala namang panahon si nanay, dahil okupado ng kanyang mataas na posisyon sa kumpanya ang oras niya.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Hindi ko po alam ang gagawin ko, Dr. Love. Sa edad kong kinse anyos, ang tanging naiisip ko ay magrebelde at baka matauhan ang pareho kong magulang.

Payuhan po ninyo ako kung ano ang dapat kong gawin para magkasundo sina tatay at nanay; at maibalik ang masayang pamilya namin.

Gumagalang,

Debbie

 

Dear Debbie,

Nakakalungkot isipin na sa pagkakagulo ng pagsasama ng mga magulang, ang anak ang pinaka-apektado. Masyado ka pang bata kung tutuusin para sa mabigat na alalahaning pinagdaraanan mo ngayon.

Pero maaaring malabo ang lahat sa ngayon, laging may pag-asa sa ating mapagmalasakit na Diyos. Iangat mo sa Kanya ang lahat ng kabigatang nararamdaman mo at magtiwala ka na magiging maayos ang lahat.

Gusto ko rin sabihin na huwag mong paba­yaan ang pag-aaral mo, dahil hindi ‘yun ang solusyon. Kasama mo ako sa panalangin na bubuti ang kalagayan ng inyong pamilya.

Dr. Love

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: